Chapter 84

5 1 0
                                    

Chapter 84

💜~~ Ashley Pov ~~💜

Natapos na ang game at panalo ang Clint. Sa huling segundo kasi ay na shot pa ng alas nila yung bola.

Kahit kailan hindi mo mapg-kakailang magaling sila. Although magaling din naman sina Myke para sa akin ay pareho lang naman pero may time talagang may grupo na lalamang.

Hindi ko din alam kung bakit parang hindi ganon kasigla si Myke ngayon. Kanina palang nagkita kami ay iba na ang timpla ng mukha niya.

Hinintay na muna naming kumonti yung mga tao bago kami bumaba. Ayaw din kasi naming makipag-siksikan sa kanila kaya hinintay na muna namin silang mabawasan.

Ng mabawasan na yung mga tao bumaba nadin kami. Lumapit agad ako kay Myke atchaka naman niya ako nginitian.

Naka-upo lang siya habang umiinom ng tubig. Halatang pagod silang lahat dahil sa halos batak silang mag-laro.

Di ko rin naman sila masisisi kung bakit ang mukha nila ngayon. Kung ako ang matatalo malungkot din ako syempre pero may susunod pa naman.

"San ka pupunta nyan?" Tanong ko sa kaniya atchaka naman siya tumayo at pinatong sa balikat ko yung ulo niya.

"I want to rest." Yinakap ko ang isa kong kamay sa likod niya atchaka lalong linapit yung sarili namin sa isa't isa.

"Let's go home and I'll make you rest." Umayos na siya sa pagkakatayo niya atchaka na kami sabay naglakad.

Hindi nadin kami nakapag paalam pa sa kanila dahil sa madami silang ginagawa.

Napatingin ako sa mga Varsity ng Clint at nakita ko naman na nakatingin sa akin si Nio. Iba ang timpla ng mukha niya.

Umiwas pa siya ng tingin ng makita niya akong nakatingin sa kaniya kaya naman sa ibang direksyon nalang din ako tumingin.

Napatingin naman ako kina JC at Albert na papalapit na sa kanila. Kahit kailan at kahit saan hindi talaga nila mapigilan na hindi pansinin ang isa't isa.

Ng makarating kami sa room namin ay agad na umupo si Myke sa sahig at pinatong yung ulo niya sa kamay niya na nakapatong naman sa tuhod niya.

Wala na rin naman akong game kaya naman pwede na akong umuwi kasama siya. Bukas na ng umaga magaganap ang finals at hapon naman magsisimula ang closing ceremony kung hindi ako nagkaka-mali.

"Ashley?" Agad akong huminto sa pag-aayos ng gamit ko at agad ba tumingin sa kaniya na ganon padin ang posisyon.

"Bakit?" Tsaka niya palang tinaas yung ulo niya at tumingin sa akin ng mag-salita ako.

"Pwede bang ihatid moko sa Hospital?" Alam ko na naman na nasa hospital ang ate niya na si Maria kaya tumango nalang ako.

Hindi ko din alam kung anong nangyari sa kaniya pero gusto ko pading malaman dahil sino ba naman magbabalak na awayin o saktan ang isang Rosales.

Ngunit kahit ganon hindi ko naman matatanggi na mas mahina si Maria kumpara kay Myke hindi dahil sa babae siya pero halata namang wala siyang hilig sa ganon at ilang beses ko na rin siyang natulungan sa iba't ibang paraan.

Kung tutuusin ay kaya naman talaga ni Maria na maging katulad ni Myke pero sa nakikita ko sa kaniya ay mataas ang tiwala niya sa sarili niya na walang sino man ang gagalaw sa kaniya.

Kahit kaming mga Clarkson ay hindi makampante sa mga taong nasa paligid namin dahil lahat naman ng tao ay kayang gumawa ng masama o ng bagay na hindi maganda.

Sa loob ng ilang taon ay wala pa naman gulong nangyari sa pamilya namin kaya malakas na din ang loob nila Dada na magpakita sa iba kahit hindi naman talaga nila gawain yon noon.

The Love Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon