Chapter 61

9 1 0
                                    


💜~~ Ashley POV ~~💜

Nasa library ulit ako ngayon dahil gusto ko munang mapag-isa at gusto ko rin ng tahimik na paligid.

Hindi ako nakatulog kagabi dahil sa dami ng iniisip ko.

Isa na doon yung kagabe.

Nakita ko si Olivia na bumaba sa kotse ni Myke--- yes sa kotse ni Myke at ang mas nakakatawa pa doon si Myke yung driver o yung nag hatid sa kaniya.

Parang may kung anong tumusok sa dibdib ko n at bigla nalang akong umakyat sa kwarto ko at nag mukmok doon.

Hindi ko lang maisip na si Myke yung laging kasama ni Olivia kapag umuuwi siya ng gabe.

Kala ko namamalik mata lang ako sa nakita ko pero hindi eh si Myke talaga yon.

Ayaw ko na sanang pumasok dahil parang hindi ko kaya pero kailangan kasi eh kailangan kong ipakita na malakas ako at hindi ako naapektuhan sa nakita ko.

Good news yung gusto kong isipin eh baka kasi nakita lang ni Myke si Olivia kung saan perp hindi eh naka-uniform din siya kagaya ng kay Olivia.

Laging pumapasok sa isip ko na magkasama sila at hindi lang nakita ni Myke si Olivia dahil magkasama sila.

Pinilit ko naman na iba yung isipin ko pero ayaw eh. Ayaw maalis sa isip ko na magkasama si Myke at Olivia.

Nakatulog ako dahil sa pagod at sakit mg mata ko.

Mahimbing ang tulog ko ng bigla nalang may yumugyog sa akin kaya naman nagising ako.

"Hmm."

"Gail oras na." Sabi nung babae kaya naman pinunasan ko pa yung mata ko dahil hindi ko siya gaanong makita.

Isa sa mga nagbabantay dito sa library.

Wala ng tao dito maliban sa akin at sa kaniya at doon sa ibang teacher.

"7:46 na anak." Sabi niya pa atchaka naman ako agad tumayo.

"S-salamat po." Sabi ko atchaka pa nag bow sa kaniya.

Agad akong umalis sa library at naglakad papunta sa building namin.

Dahil oras na ng klasi wala ng tao dito sa labas halos lahat sila nasa kaniya kaniya na nilang classroom.

Siguradong absent nanaman ako nito sa subject ni Ms. Pamintuan.

"Late again Ms. Ashley!" Natatawang sabi ni Ms. Pamintuan atchaka lumapit sa akin.

Hingal na hingal ako dahil tumakbo pa ako mula library hanggang dito sa classroom ko kaya naman todo hinga ako.

"Consequence or Absent?"

Laging ganyan yung tanong niya sa aming mga nalalate lalo na sa akin dahil halos ako lang naman yung nalalate dito sa classroom namin.

"C-consequence h-ho." Hingal na sabi ko pa atchaka naman siya tumingin sa mga kaklasi ko.

Sayang kasi yung isang day kung mag aabsent nanaman ako lalo na pinapalabas niya yung mga pumili ng absent.

"Linisin mo ang buong fourth floor." Napatingin ako sa kaniya ng diretyo dahil sa sinabi niya.

Naiibang na talaga tong si Ms. Pamintuan kala ko banaman mabait hindi naman pala--- sa una lang mabait.

"Ngayon na ho?" Tanong ko sa kaniya atchaka naman siya tumango habang nakangisi.

"... Parang absent na rin ako non." Sabi ko naman atchaka bumuntong hininga.

Kung ngayon ako maglilinis parang ganon din dahil wala naman akong matutunan napagod pa ako pero hindi ako absent sa record niya.

The Love Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon