Chapter 73
"Alexa!"
Agad akong kumaway sa mga kasama ko sa Tennis ng tawagin nila ako. Hinatid pa ako ni Mark hanggang makarating dito sa banda namin. Tabi tabi lang yung Volleyball, Basketball at Tennis field dahil sa iisang open court lang kami. Cover court yung sa basketball kaso hindi sa gym na super cover.
Minsan nilalabas din nila Ashley yung table nila para dito sila sa labas mag practice. Sina Kate naman sa room na malapit dito.
"Kanina ka pa namin hinihintay." Sabi sa akin ni Jean atchaka pa kumaway kay Mark, ngumiti naman si Mark sa kanila.
"Sige na, okay nako dito." Sabi ko kay Mark atchaka na siya umalis. Lagi niya akong hinahatid kapag may practice kami dahil malapit lang din naman. Pinagigitnaan lang kami ng mga volleyball at may harang kasi sa amin para hindi lumayo yung bola kung sakaling napalakas.
Minsan may mga college na nakikipag laro sa amin kapag may libre silang oras. Minsan ako yung nanalo minsan naman yung kalaban ko parang palitan lang kami pero mas madami yung panalo ko. Si Ashley lang talaga yung hindi ko matalo talo.
Ng matapos kaming mag laro ng ilang game pumunta na muna kami sa may player room dahil mag papasukat pa daw kami. Malawak yon kaya naman kasya kaming lahat. Parang tatlong room yon na pinagsama sama. May sarili din yong mga locker para sa amin mga player.
"Hala, ikaw si Alexa, diba?" Bigla ako napatigil sa pag-inom ko ng tubig dahil narinig ko yung pangalan ko. Tumingin ako sa nagsabi non at isa rin ata siyang player.
"May kailangan ka?" Iniba ko pa yung boses ko para naman mag mukha akong mabait diba.
"Player ako ng billiard." Sabi niya atchaka pa nakipag-kamay sa akin. "Ako yung nagtanong dati ng pangalan sa inyo.. naalala mo Christian?" Tanong niya pa atchaka naman ako ngumiti ng pilit at pilit din inaala kung sino siya.
"Tinatanong namin yung pangalan nung nag dru-drum.. Ashley pala pangalan niya." Sabi niya pa atchaka tumingin sa pinto kung saan papasok sina Ashley at yung mga kasama niyang nagte Tennis Table.
Halos nandito na pala lahat ng player maliban sa mga player ng basketball. Sabay sabay lang siguro kaming magpapasukat kaso nauna na yung mga Chess dahil sila yung pina-una.
"Sino ka?" Bigla akong napatingin sa gilid ko dahil biglang hinawakan ni Mark yung bewang ko. Nakangiti siya pero halatang pilit yon at gustong makipag away.
"Player ako ng billiard pare.. Christian." Sabi niya atchaka pa nakipag kamay kay Mark. Nasaktan pa ata siya dahil sa higpit ng hawak ni Mark sa kaniya. "Ahh.. sige mauuna na ako." Agad niyang inagaw yung kamay niya atchaka na umalis.
"Sino yon." Agad inalis ni Mark yung kamay niya sa bewang ko atchaka humarap sa akin. "Ano mo yon?" Tanong niya pa.
"Sabi niya siya daw yung nagtanong dati ng pangalan ni Ashley." Atchaka ko naman naalala kung sino siya kaya nanlaki yung mata ko. "Siya pala yon.. tinanong niya dati yung pangalan ni Ashley kaso hindi pwede." Sabi ko atchaka naman niya nilapit sa akin yung mukha niya para mag pantay kami.
"Kala ko kabit mo na yon eh."
Napalunok nalang ako dahil nagseselos nanaman siya. Hindi naman siya ganon kaseloso pero ang kyut niya kasing tignan kapag nagseselos siya.
"Ikaw yung kabit ko." Pagbibiro ko pa atchaka naman siya agad bumusangot.
"Niloloko mo ba ako." Pinag-cross niya pa yung kamay niya atchaka bumuntong hininga. Tumango naman ako para mas maasar siya pero bigla naman niya akong hinila palabas.
BINABASA MO ANG
The Love Of Us
Random5 King fall inlove with 5 transferie Magbago kaya ang lahat dahil sa pagdating nilang magkakaibigan? --- Isa lamang siyang simpleng babae na gusto lang mahanap ang taong magpapasaya sa kaniya ulit. Ng lokohin kasi siya ng ex niya nagbago lahat. Ang...