Chapter 38

30 4 0
                                    

Chapter 38: Anna and Albert First Day

❤️~~ Albert Pov ~~❤️

Nandito na kami ni Anna sa parking lot ng Lost Angel sa likod ng school. Sa harap kasi halos mga service yung mga nandoon atchaka maliit lang yung parking space doon kaya dito na kami nagpark dito naman talaga ako magpapark dati pa kaso nung Friday sa harap ako nagpark.

"Kuya wag kang makikipag-away ahh." Paalala ulit sa akin Anna.

"Alam mo Anna good boy natong kuya mo kaya wag mo ng sabihin sa akin yan." Sabi ko naman atchaka na lumabas sa kotse ko ganon din si Anna.

"Pag naman nalaman kong nakipag-away ka isusumbong kita kay dada at mama." Pagbabanta nya pa sa akin.

"Edi magsumbong ka." Sabi ko naman.

"Ano nga kasi yung section ko?" Tanong naman nya sa akin.

"Smart-1 ka kahit hindi ka naman smart." Pang-aasar ko naman sa kanya.

"Ehh ikaw anong section mo?" Tanong naman nya sa akin.

"Ako? Hope-2." Sabi ko naman.

"Hope ka eh wala ka namang pag-asa sa gusto mo." Banat nya din sa akin.

"Madami naman yung mga pinaasa ko." Banat ko din sa kanya.

"Hay nako kuya." Sabi nya atchaka pa umiling.

Kapasok naman namin sa school agad ko namang nakita yung mga student na pabalik na sa classroom nila nag flag siguro sila.

"Omg ang pogi nya." Dinig kong bulong nung babae.

"Oo nga sino kaya sya." Sabi pa nung isa.

"Ngayon ko lang sya nakita dito." Sabi naman nung isa.

"Sana single sya."

"Diba sya yung lalaki nung Friday?"

"Oo nga no."

"Kuya ang pogi mo!" Sigaw na nung isa sa akin alam kong sa akin dahil sa akin nakatingin eh.

"Oo nga!" Sagot naman nung isa.

"Single kaba?!" Tanong naman nung isa.

"Ang pogi mo talaga!" Sigaw pa nung isa pero wala akong pinansin kahit isa sa mga yon.

"Ang dami mong magiging chicks nyan ahh." Sabi naman ni Anna atchaka pa tinusok tusok yung bewang ko.

"Syempre pogi ata tong kuya mo." Sabi ko naman.

Bigla naman syanv sumuka kunwari. "Wag ka ngang mag joke jan." Sabi naman nya sa akin.

"I'm just saying the truth." Sabi ko naman atchaka pa nag ewan sign.

"Saang building pala ako?" Tanong naman nya.

"Iisang building lang tayo." Sabi ko naman.

"Buti naman para lagi kong maikita kung may ginagawa ko gagawin ka bang hindi maganda." Sabi naman nya habang naglalakad padin.

"Alam mo Anna wag mo akong pagsabihan dahil alam ko ang ginagawa ko." Sabi ko naman atchaka na huminto.

"Eto naba yung building natin?" Tanong naman nya.

"Eto na nga pero sa gitnang hagdan ako dadaan." Sabi ko naman sa kanya atchaka na naglakad.

"Hintayin mo ko!" Sigaw naman nya sa akin.

"Wala bang hinabilin sayo si ate mo?" Tanong ko sa kanya, pagkakatanda ko kasi merong mga kaklasi si Anna na hindi maganda yung ugali.

"Ang sabi nya lang na wag ko daw sasabihin kung ano nya ako atchaka may kaklasi daw akong walang utak kaya wag ko daw silang patulan." Sabi naman nya buti naman at sinabi ni Ashley yon kay Anna para hindi na rin mapa-away si Anna.

The Love Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon