Chapter 19

42 6 0
                                    


*⁰⁹-³⁰-²⁰*

Chapter 19: Mansyon

Myke POV

Nasa canteen na kaming sampu ngayon masayang kumakain at nag kwe-kwentuhan.

"Ashley? Pinagalitan kaba kanina?" Tanong ni Mark kay Ashley.

"Sakto lang atchaka sanay na akong nalalate." Sagot naman ni Ashley atchaka kinain yung fries.

"Alam nyo ba pinakanta si Ashley kanina sa classroom namin." Sabi naman bigla ni Faith.

"Buti nalang pumayag sya kasi importanteng tao lang yung kinakantahan nya." Sabi naman ni Kate.

"Talaga? Pwede mo ba kaming kantahan." Sabi naman bigla ni Luke pero siniko sya ni Chris kasi nakatingin ako sa kanila.

"...Joke lang naman eh." Pagbawi nya dito.

"Kakantahan ko kayo mamaya." Sabi nya naman atchaka tumingin kina Luke.

"Talaga? Bakit hindi pa ngayon?" Tanong naman ni Ronnie.

"Mamaya nalang." Sabi naman ni Ashley.

"Sana pati ako kakantahan mo." Pag paparinig ko naman.

Yung kaming dalawa pang sana.

"Kakantahin kita yung tayong dalawa lang." Mahinang sabi nya naman pero rinig na rinig ko yon.

Kakantahan niya daw ako... YES!

"Sabi mo eh." Sabi ko naman atchaka ngumiti yung ngiting tagumpay hihi.

"Kaylan kaya yung Intrums?" Tanong bigla ni Chris.

"Ang sabi sa akin ni Papa baka daw mga August gaganapin dahil daw napa-aga ang Interhigh." Sagot ko naman.

"Ano ba dito si Daddy mo?" Tanong naman ni Micha.

"Yung Papa nya kasi yung Dean dito sa school natin." Sabi naman ni Luke.

"Wow kaya pala Rosales din ang apilido nya kasi papa mo sya." Gulat na sabi naman ni Alexa.

"Kayo nasaan mga magulang nyo?" Biglang tanong naman ni Mark.

"...Kanina kasi nung pumunta ako sa inyo wala man akong nakitang ibang tao don kayo lang." Sabi pa nya.

"Ganto kasi yan yung mga magulang ko nasa ibang bansa para sa business namin." Sabi naman ni Alexa.

"Yung akin naman nasa Pilipinas lang din sila pero hindi ko alam kung nasaan sila ngayon kasi lipat lipat sila ng lugar para din sa business pero alam ko na nasa state daw ata sila ngayon." Sabi naman ni Kate.

"Yung akin naman pareho silang Doctor at tumulong sila sa mga mahihirap kaya hindi ko rin alam kung nasaan sila ngayon." Sabi naman ni Micha.

"Yung mama ko nasa Manila and yung papa ko nandito lang din sa Pampanga kasama yung bago nya." Sabi naman ni Faith.

"Nasa tabi-tabi lang yung mga magulang ko pumunta sila dati sa ibang bansa pero nagbakasyon daw ata sila ngayon dito sabi ni Albert." Sabi naman ni Ashley.

"Wala kaming gaanong alam kay Albert kasi ayaw nyang pasabi kung sino ba talaga sya." Sabi naman ni Ronnie.

"Ayaw kasi nilang pasabi." Sabi naman ulit ni Ashley.

"Bakit naman?" Tanong ko naman.

"Basta." Sagot nya lang atchaka na sumandal. "Bilisan nyo na dyan malalate na tayo."

The Love Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon