Chapter 86

5 2 0
                                    

Chapter 85

💜~~ Ashley Pov ~~💜

Habang nasa kotse pinagkwe-kwentuhan na namin kung pupunta paba kami o hindi na.

"Hindi ako mahilig sa Party diba." Dahil hindi naman talaga ako pumupunta sa mga ganyan kaya di ko rin mafe-feel kung pupunta ako.

Kung si Kate ang tatanungin mo siguradong gusto niya. Sa aming lima siya talaga ang mahilig sa ganyan.

Ngayong mga araw nga ay hindi ko siya napapansin na naka-make-up. Puro Liptant nalang siya at polbo. Hindi ako sigurado kung Liptant ba tawag don.

"Okay lang naman siguro kay Coach kung hindi tayo pupunta. Diba?" Tanong naman ni JC na nagmamaneho sa kotse ko.

Hindi naman siguro masama kung hindi kami pupunta mamaya. Baka hindi rin kami payagan ni Dada kung sakali.

Ng makarating kami sa bahay diretyo kwarto na ako dahil wala na naman akong gagawin.

Gusto ko ng magpahinga dahil nakakapagod din maglaro kahit na hindi naman ganon kahirap yung akin.

Sa sobrang gusto kong humiga ay hidni ko na namalayan na nakatulog na ako.

Nagising nalang ako dahil inaalog na ako ni Anna. "Ate aalis daw tayo." Nakangiting sabi niya sa akin ng imulat ko ang mata ko.

"Mag-ayos kana ng mga gamit mo ate." Nakangiti din si Jazzy habang sinasabi sa akin yon.

Umupo ako sa pagkakahiga ko at tinignan silang dalawa. Hindi ko alam kung anong aalis ang ibig nilang sabihin.

"Ashley!" Pumasok din sa kwarto ko si Shokoy kasama si Joshua at JC.

"Ano bang meron?" Tanong ko atchaka pa humikab.

"Nanjan na sina Dada and sabi niya pupunta na daw sila ng Boracay."

Napa-isip ako dahil sila lang naman pala ang pupunta bat kailangan pa nila kaming isama.

"Kasama ba tayo?" Tanong ko. Pero siguro, hindi naman nila ako gigisingin kung hindi kami sasama.

"Oo nga ate.. kaya naman tumayo kana diyan."

"Sasama din sina Alexa kaya tumayo kana diyan." Napatingin ako kay Shokoy dahil sa sinabi niya.

Nakakapag-taka kasi dahil isasama nila ang mga kaibigan ko. Hindi naman sila ganon katulad ng dati.

"Kailan ba aalis?" Tanong ko sabay tayo kaya naman umusog sila para padaanin ako.

"Sasama na ako ngayon kina Tito para hindi na gaanong madami yung mga sasama bukas." Sabi ni Joshua.

"Kami din ni Anna sasama na ate. Excited na kaming makita ulit ang Boracay." Masayang sabi ni Jazzy na kala mo ngayon lang talaga makakapunta ng Boracay.

Pina-alis kona sila sa kwarto ko at sinabing bukas nalang ako sasama. Meron kaming sariling Eroplano kaya kahit gabi ay maaring umalis sina Dada.

Hindi ko natanong kung ilang araw kami doon pero siguradong uuwi din kami sa linggo ng gabi dahil may klasi na ulit sa lunes.

Apat na pares na damit ang dadalhin ko para sigurado at kung sakali mang madumihan ako ay may pang palit ako.

Hindi ko na inisip kung ano pang susuotin ko kapag inaya nila akong lumangoy dahil T-shirt lang naman panigurado ang suot ko.

Hindi kona muna ibinag yung gamit ko at nilagay muna sa isang sulok dahil ipapasama ko nalang kay JC o kung kanino ko man pwede ipasama.

Kanina ko pa hindi hinahawakan yung cellphone ko kaya naman ng tumunog yon doon ko pang nalaman kung saan siya nakalagay.

The Love Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon