Chapter 77

1 0 0
                                    

Chapter 77



Today is sunday night. Ganon kabilis lumipas ang oras at gabi na agad ngayon. Bukas nadin ang Interhigh kaya maaga kaming nagsibalikan sa kwarto nmin para agad matulog.



Baka tulog na sila pero ako ay gising na gising pa. Sa dami ba naman kasi ng iniisip ko hindi ko na alam kung makakatulog pa ako sa lagay na ito.



Si Myke nandito padin siya pero sa guest room siya natulog dahil sa konting pagtatalo..jok gusto ko lang talagang mapag-isa pero hindi ko ata kaya dahil sa alam kong nandito siya.



Naplat kasi yung gulong ng kotse niya nung saktong aalis na siya kaya pinagawa na muna namin. Sinuggest din ni JC na dito n muna siya kaya naman tumango nalang siya atchaka sinabi sa Mommy niya.



Tumayo ako atchaka nilibot yung paningin ko sa kwarto ko bago ko napag-pasyahan na magsimula ng maglakad para agad naring makarating sa kwarto na tinutulugan ni Goku. Napaka-matampuhin kasi at mas ginusto png matulog doon kesa sa makatabi ako.



Ng makarating sa guest room kung asan si Myke ay saktong kakatok na sana ako ng bigla namang bumukas yung pinto kaya pareho din kaming natigilan ng makita namin ang isa't isa.



Wala na akong ginawa kundi ang dumiretyo nalang sa loob ng kwarto atchaka humiga sa kama niya. Bigla akong nakaramdam ng antok nung makita ko na siya.



"Bakit ka nandito?" Nakukuha ko na yung tulog ko ng bigla siyang magsalita kaya naman ay nawala yon at nabuhayan uli ako pero naantok talaga ako eh.



Humarap ako sa kaniya bago ko binuksan yung mga mata ko. Doon ko lang namalayan na nakaupo pala siya habang nakatingin sa akin. Ang akala ko nakahiga na din siya pero hindi pa pala.



"Matulog kana." Tumalikod ulit ako hanggang sa maramdaman ko na yung tulog ko. Naramdaman ko pa yung biglang pagyakap niya sa akin.. hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako dahil sa ginawa niya.



Ganon lang yung naging posisyon namin hanggang sa magising ako at yakap yakap ko nadin siya kaya naman agad akong lumayo sa kaniya at ganon din naman siya na tumalikod din.



Dahandahan lang akong tumayo dahil baka magising siya. Madilim parin naman kaya nagtaka din ako kung bakit ang aga kong nagising ngayon.



Katapos kong maghilamos sa may banyo dito sa kwarto niya ay pumunta narin ako sa kwarto ko para ayusin yung mga gamit ko. Hindi ko pa kasi yon nalalagay sa bag ko pero naka ayos na yom sadyang tinamad lang ako kahapon kaya ganon.



Bumalik ulit ako sa kwarto ni Goku para sana gisingin na siya dahil pupunta pa kami sa bahay nila. Wala naman siyang gamit dito kaya dadaan pa kami doon.



"Goku bangon na." Sabi ko habang kumakain ng ensaymada. Nagugutom na kasi ako kaya kumuha na ako ng isa para kainin ko.



Hindi naman siya gumalaw o ano man kaya lumapit na ako sa kaniya para alugin siya pero umungol lang siya atchaka tumalikod sa akin.



Hindi nako ng aksaya pa ng oras at pumunta na ako sa banyo para kumuha doon ng tubig. Naalala kong walang tabo don pero buti nalang at may makiit na lalagyan na nandoon kaya yon ang nilagyan ko ng tubig.



Nagdalawang isip pa ako kung ibubuhos koba sa kaniya yon o gisingin ko nalang siya ng maayos. Dahan dahan ko siyang inalog ulit pero hindi talaga siya nagigising kaya naman binuhusan ko na siya ng tubig.



Agad naman siyang nagising atchaka ako tiningnan ng masama. Siya na nga tong ginising ko siya pa galit. Pero nagu-guilty din ako no. Baka makipag break to bigla sakin.



The Love Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon