Chapter 87

11 1 0
                                    

Chapter 87

💜~~ Ashley Pov ~~💜

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Goku na si Christian ang may gawa non sa ate niya.

I don't know pero kailangan ko padin tanungin si Kuya Jaypee kung totoong si Maria yung niligtas niya o baka nagsi-sinungaling lang siya.

Pero sa mga gantong sitwasyon sigurado namang hindi magsi-sinungaling sa amin si Kuya.

Parang wala lang sa kaniya yon dahil sanay na naman siya sa ganong bagay kahit sa amin naman pero dahil sa kilala ko ang nasaktan ay hindi ko mapapa-lagpas yon.

Sandaling minuto lang ang lumipas at nakarating na agad kami sa airport.

Kalabas palang namin sa eroplano iba na ang simoy ng hangin at tingin sa amin ng mga tao.

Mapa-lalaki man o babae iba ang tingin sa amin. Kahit ang mga Flight Attendant at Piloto na nakakasalubong naman ay parang kami ang pinag-uusapan.

"Uhm.. Good Evening madam." Napahinto ako sa paglalakad at tumingin sa gilid ko. Gusto ko lang malaman kung sino ba nagsabi non at kanino niya sinasabi.

Isang matandang babae yon sa akin nakatingin kaya naman tinuro ko yung sarili ko para malaman kung ano ba talaga ang kinakausao niya.

"Hello po?" Lumapit ako sa kaniya habang yung mga kasama ko naman ay patuloy lang sa paglalakad.

Mukhang hindi nila napansin n huminto ako.

"Ako po si Susan."

"And?" Tanong ko.

"Sa akin po kayo pinapasundo ng Papa niyo." Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Kahit medjo kinakabahan pa siya.

"Ganon pu ba. Tara napo para masabi ko po sa kanila." Naglakad na ako dahil medjo malayo nadin yung layo nila sa amin.

Hindi na naman sila naglalakad at mukhang may hinihintay sila.. baka etong si Aling Susan.

"Madami pu ba kayo?" Tanong niya bigla habang naglalakad kaming pareho.

"Halos kinse pu kami." Sagot ko naman sa kaniya. Mula sa di kalayuan nakita kong sa akin naka-tingin si JC.

Papalapit ng papalapit tsaka ko lang napansin na iba ang tingin niya sa normal na pag-tingin niya sa akin.

"Saan ka nang-galing?" Kinurot pa ako sa braso ni Shokoy katapos niyang tanungin yon.

Ako ata ang iniintay nila.

"Aray ko ah tsk." Sabi ko sabay harap sa likod ko. "Eto si Aling Susan ang sabi niya sa akin pinapasundo daw tayo ni Dada."

"And naniwala ka naman agad." Lumapit sa Kuya Jaypee saakin at tumingin pa kay Aling Susan. "Pangalan?"

"Susan po."

"No! I mean ng nag utos sayo."

"U-uhm ano po si Sir Clarkson po." Nako, natakot na ata si Aling Susan dahil dito kay Kuya Jaypee.

"Don't pressure her, Kuya." Lumapit din sa amin si JC at magsasalita pa sana ng bigla namang may pumaradang van sa harap namin. Mas malaki to kesa doon sa kaninang sinakyan namin.

"Hello Clarkson's Clan.. sumama napo kayo sa amin!" Malakas na sigaw nung driver sa amin. Bigla pang tumawa si Micha dahil nadin siguro pinahirapan pa ni Kuya Driver yung sarili niyang sumigaw.

In the end lahat kami ay sumakay doon at hindi na nagtanong pa kung saan ba kami mismo dadalhin nitong Van na sinasakyan namin.

"How's your flight po?" Kanina pa nagtatanong tong si Kuya Driver at halos naman sumasagot sila sa bawat tanong niya.

The Love Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon