Chapter 42

38 2 0
                                    

Chapter 42: Lagnat



❤️~~ Ashley Pov ~~❤️



Linggo na ngayon at hindi pa din ako pinapansin ni Myke hindi ko rin naman siya pinapansin dahil hindi ko naman alam kung ano bang dahilan para hindi niya ako pansinin. Nung mga nakalipas na araw lagi siyang hindi sumasabay sa amin kumain sa canteen at cafeteria pag nakikita ko siya lagi siyang nag-sisigarilyo at may kasamang babae. Nung Friday hindi din siya pumasok tinanong naman nila Alexa sina Mark pero hindi daw nila alam.



"Ashley!" Sigaw ni Carlo sa akin atchaka pa kumatok ng malakas sa pinto ng kwarto ko. "Kanina ka pa hindi lumalabas diyan!" Sigaw pa niya. Nagsimba ako kanina kaya naman lumabas ako dito sa kwarto ko hindi ko naman nakita si Myke sa simbahan kaya hindi ko alam kung nagsimba ba siya.



"Hindi ka pa kumakain ng tanghalian ate!" Sigaw naman ni Anna.



"Ngayon ka lang hindi kumain kaya himala yon Ashley!" Sigaw naman ni Albert.



"Alas-tres na ng hapon at hindi ka padin lumalabas diyan sa kwarto mo!" Sigaw naman ni Carlo.



"Kunin mo nalang yung susi don Anna." Dinig kong sabi ni Albert.



"Hoy Ashley! Ano bang nangyayari sayo?!" Malakas na tanong ni Albert.



"Ano nga bang nangyayari sa akin?" Mahinang tanong ko sa sarili ko.



Ng makita kong gumalaw yung doorknob pinikit ko na yung mata ko para isipin nila na tulog ako.



"Tulog pala siya eh." Sabi naman ni Anna.



"Siguradong hindi yan tulog." Sabi naman ni Carlo atchaka ko naramdaman na may umupo sa kama ko.



"Ash—." Hindi natapos ni Albert yung sasabihin niya. "Bat ang init mo?" Tanong niya.



"Ano kamo?" Gulat na tanong naman ni Carlo atchaka pa ako hinawakan siya siguro yung humawak sa akin.



"Ang init nya nga." Sabi niya atchaka pa umalis sa may kama ko.



"Asan nakalagay yung first aid kit nyo?" Tanong naman ni Carlo.



"Anna kunin mo nalang." Sabi naman ni Albert.



"Sge." Sabi naman ni Anna.



"Hay nako babaeng dambuhala alam kong gising ka." Sabi naman ni Carlo kaya humarap na ako sa kanila atchaka binuksan yung mata ko.



"Asan yung remote ng aircon mo?" Tanong naman ni Albert atchaka ako tumingin sa may lamp shade ko.



"Kumot na kumot ka diyan pwede mo namang patayin yung aircon mo." Sabi naman ni Carlo.



"Anong ginawa mo at ang init init mo?" Tanong naman sa akin ni Albert pero hindi na ako sumagot.



"Bat ba hindi ka sumasagot?" Tanong naman ni Carlo pero hindi pa din ako sumagot.



"Wala naman masakit sa akin eh." Sabi ko naman.



"Walang masakit pero may lagnat ka." Sabi naman ni Albert.



"Don't worry mawawala din to mamaya." Sabi ko naman atchaka na dumating si Anna.



"Here." Abot nya nung first aid kit kay Carlo.



"May thermometer ba kayo?" Tanong naman ni Carlo.



"Meron tingnan mo lang." Sabi naman ni Albert atchaka na nilabas ni Carlo yung thermometer.



The Love Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon