*¹⁰-²⁵-²⁰*
Chapter 28: Albert❤️~~ Ashley POV ~~❤️
Last subject na namin ngayon at hinihintay ko nalang na palabasin kami ng lecturer namin ang dami pa kasi nyang sinasabi.
Habang naghihintay narinig ko naman na biglang umingay sa may hallway kaya napatingin ako sa labas.
"Sino yon?" Tanong ni Micha.
"Eh ba malay namin." Sabi naman ni Kate.
"Class you may go na!" Sigaw ni Ms. Pascual kaya nagsitayuan na kami. Yung mga nagsisi-tilian sa labas nasa harap padin ng classroom namin.
"Hoy! Mag walis muna kayo bago umalis." Sabi ni Ben na nililinis na yung black board.
"Oo nga." Sabi naman ni Wil na nililinis din yung white board na nasa likod nagamot kasi yon kanina.
Hinintay ko na muna silang makapagwalis atchaka na kami lumabas.
Hindi ko napansin sina Myke dahil sa mga babaeng nag titilian pa din.
"Sino ba tong tinitilian nila?" Tanong ni Myke nung nakita namin sila sa harap ng classroom nila.
"At sa tingin mo alam namin?" Mataray na sabi naman ni Kate. "... Mauuna na ako sa inyo baka hinihintay na ako sa baba." Sabi nya atchaka na naglakad.
"Bye Kate!" Sigaw pa ni Chris tsaka oa nila kinawayan ang isa't isa.
Sa kabilang hagdan sya dumaan dahil marami ngang tao dito sa harap ng classroom namin kaya hindi sya makadaan.
"Kuya anong name mo!?"
"Para kanino yang bulaklak mo!?"
"Ang swerte naman ng bibigyan mo nyang bulaklak!"
"Sana ako din!"
"Excuse lang sandali ah." Sabi naman nung isang lalaki may kaboses sya pero hindi ko alam kung sino.
"Tara na." Sabi ni Mark tsaka na kami naglakad.
"Ang ingay nila no." Sabi naman ni Faith.
"Himala hindi tayo ang tinitilian nila." Sabi pa ni Luke.
Sigaw nga ng sigaw tong mga babae sa likod namin eh. Yung iba naririnig ko yung pangalan nila Myke.
"Baby ko!" Okay si Albert nga siguro to.
Sabi ko na nga ba eh yung kambal kong shokoy.
"Bakit?" Tanong ko naman atchaka humarap sa kanya.
Si Albert nga.
"Sya ba yung girlfriend mo?" Tanong nung isa.
"Oo girlfriend ko sya." Sabi naman nitong kambal kong mukhang shokoy.
"Bakit sya hindi naman sya maganda eh." Sabi nung isa.
"Umalis nga kayo!" Sigaw naman ni Myke.
"Hello Myke." Sabi nung babaeng tinawag akong pangit.
"Kuya pogi bakit sya?" Tanong nung isa.
"Kasi mahal nya ako kaya lumayas na kayo sa harap namin." Sabi ko naman atchaka nila ako tinarayan bago umalis.
"Baby ko kanina pa kita hinihintay don." Sabi naman ni Albert tsaka narin kami naglakad doon na sa isang hagdan dahil umalis narin naman yung mga babae.
BINABASA MO ANG
The Love Of Us
Random5 King fall inlove with 5 transferie Magbago kaya ang lahat dahil sa pagdating nilang magkakaibigan? --- Isa lamang siyang simpleng babae na gusto lang mahanap ang taong magpapasaya sa kaniya ulit. Ng lokohin kasi siya ng ex niya nagbago lahat. Ang...