Chapter 14

46 5 0
                                    

*⁰⁹-²²-²⁰*

Chapter 14: Lugawan

Myke's POV

Hindi ko padin makalimutan yung pagkurot ni Ashley sa pisnge ko. Lahat nga ng lecturer namin katapos ng recess pinagalitan ako dahil sa labas daw ang tingin ko ano bang magagawa nila kung iba yung iniisip ko.

"You may take your Lunch and Mr. Rosales ayusin mo ang sarili mo." Sabi ng lecturer namin atchaka na umalis.

Sila Ashley kanina pa nag hihintay sa tapos ng classroom namin nagku-kwentuhan silang lima don.

Nakalabas na silang apat sa classroom pero ako nakaupo padin hindi ko magalaw yung paa ko nanginginig lang lalo na nung makita kong nakatingin sa akin si Ashley.

"Myke lumabas ka na jan para makakain na tayo!" Sigaw ni Chris na nasa labas na. Gustuhin ko mang igalaw yung paa ko pero ayaw naman nyang gumalaw.

"Hoy Myke!" Sigaw naman ni Luke pero hindi parin ako makagalaw.

"Ashley." Dinig kong tawag naman sa kanya ni Alexa.

"Mauna na muna kayo sabay na kaming pupunta doon." Sabi naman ni Ashley kaya lalo akong kinabahan ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Pwede ba akong pumasok?" Tanong nya sa amin.

"Sige pasok ka." Sabi naman nung isa kong kaklasi atchaka na lumabas kami nalang dalawa ang nandito sa classroom namin.

"Myke?" Tawag nya sa akin nasa tabi ko na sya ngayon. "Okay ka lang ba?" Kinakabahan na talaga ako.

"Bat pawis na pawis ka?" Tanong nya pa pero hindi parin ako nagsalita. "Bala ka jan hindi na kita kakausapin." Sabi nya tsaka na tumayo.

"S-sandali" kinakabahan na talaga ako. "H-hintayin mo a-ako." Bat nabu-bulol ako.

Dahan dahan kong tinayo yung sarili ko atchaka lumapit sa kanya.

"T-tara na."

Ano ba tong ginagawa ko lalo akong nabubuking na patay na patay sa kanya eh.

"Okay ka lang ba?" Tanong nya sa akin.

"O-okay lang a-ako." Kaya ko to... Kaya ko to...

"Okay." Sagot nya tsaka na ulit humarap sa dinadaan namin.

Hindi na kami nagsalita hanggang makarating sa cafeteria. Hahanapin palang namin sina Mark pero bigla namang nagsalita si Ashley.

"Peram ng cellphone." Sabi nya atchaka huminto sa paglalakad.

"Ha?" Tanong ko sa kanya.

"Sabi ko peram ng cellphone." Sabi nya ulit.

"A-anong g-gagawin mo?" Tanong ko ulit.

"Icacall ko sila Mark para agad natin silang makita." Sabi nya kaya naman binigay ko yung cellphone ko sa kanya. "Myke?" Tawag nya sa akin.

"B-bakit?" Kabadong tanong ko.

"Pwede bang umayos ka masyado kang nabu-bulol jan eh." Sabi nya atchaka kinall si Mark.

"Mark?... Oo... Asan kayo? Sge... Oo... Ge..."

"A-asan daw sila?" Tanong ko sa kanya.

"Nasa may dulo daw." sagot nya atchaka na naglakad sumunod na rin ako para hindi ako maiwan doon.

Karating ko namin sa may table agad naman akong umupo sa tabi ni Mark.

The Love Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon