Chapter 62

10 1 0
                                    

💜~~ Ashley POV ~~💜

Nagising ako sa hindi pamilyar na kwarto kaya naman dali dali akong umayos ng upo at tiningnan yung sarili ko.

Hindi na ako naka uniporme at malinis din yung katawan ko.

Pinakiramdaman ko yung baba ko pero hindi naman masakit yon at mukang wala namang nangyaring masama sa akin.

Malaki tong kwarto at may dalawang bintana pero hindi gaanong maliwanag dahil tinatakpan yon ng makakapa na kurtina.

Dahan dahan akong tumayo at kinuha yung bag ko na nasa tabi nitong kama.

Kababa ko agad na bumungad sa akin si Noah na palapit narin sa akin.

Bahay niya siguro to atchaka sa kaniya siguro damit to dahil panlalaki pero okay lang yon sanay naman akong gumamit ng lalaking gamit.

"Good Morning." Bati niya sa akin atchaka ko naman siya nginitian.

Akala ko nung una siya lang mag-isa pero may kasama siyang iba.

Mga kasambahay siguro nila to dahil naka uniporme din sila na pareho pareho. Tatlo lahat sioang nakita ko habang palakad kami papunta kung saan.

"Good Morning po." Sabi naman nitong isang babae atchaka pa yumuko sa amin.

Nandito kami ngayon sa may dining room nila ang daming pagkain atchaka ang daming upuan pero kaming dalawa lang naman yung naka-upo ngayon dito.

"W-wala kang kasama dito?" Tanong ko atchaka pa umubo para ayusin yung boses ko may plema kasi.

Binigyan niya ako ng kanin sa pinggan ko atchaka ulam ganon din naman yung ginawa niya sa pinggan niya.

"Umalis si Dad kanina." Sabi niya atchaka sumubo.

Sumubay na rin ako sa kaniya sa pagkain ng bigla nalang akong masamid. Agad kong kinuha yung tubig atchaka yun ininom.

"Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong niya sa akin atchaka naman ako tumango.

Bigla ko naoang kasing naalala kung sino bang nagbihis sa akin at iba na yung suot ko. Naalala ko din na may practice pala kami ngayon.

"S-sino palang nagbihis sa akin?"

Tumigil siya sa pagkain atchaka binaba yung hawak niyang kutsara. Ngumisi pa siya atchaka tumingin sa paligid namin.

"I-ikaw?" Tanong ko pa atchaka naman siya tumawa.

Anong nakakatawa don nag tatanong lang naman ako ng maayos ah.

"Syempre hindi ako." Sabi niya atchaka ginulo yung buhok ko.

Magulo na nga kanina lalo pang gumulo dail sa ginawa niya.

"... Yung isa sa mga kasama ko dito yung nagbihis sayo." Sabi niya atchaka tiningnan yung suot ko. "... Pero akin yang damit na suot mo." Sabi niya pa.

Tanging 'ahh' nalang yung nasagot ko atchaka na ulit kami bumalik sa pagkain.

Kinuha ko yung bag ko na nasa tabi ko atchaka tiningnan doon yung cellphone ko. Binuksan ko siya pero ayaw niya na na lowbat siguro.

"Aalis ka naba niyan?" Biglang tanong niya sa akin atchaka naman ako tumango.

May practice pa kami ng ala-una kaya naman hindi ako pwedeng malate. Kahapon hindi kami nag practice sa sayaw dahil daw pahinga na daw namin yon tapos sa lunes ulit.

Ngayon naman sa Singing contest yung practice namin. Gusto kong mag back-out dahil ayaw kong makita yung mukha ni Myke o kahit amoy niya lang.

Ayaw ko na rin siyang isipin silang dalawa ni Agatha.

The Love Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon