Chapter 82

3 0 0
                                    

Chapter 82


💜~~ Albert Pov ~~💜

"Anong nangyayari dito!?" Ng matulak ko yung lalaki tsaka palang ako tumungin sa teacher na sumigaw. Teacher dito sa Clint.

"Mr. Clarkson!" Sigaw pa ni Coach Cyra kaya naman lumipat yung tingin ko sa kaniya. Lalapit na sana ako kina Joshua ng bigla naman akong sipain nung isang lalaki kaya napatingin ulit ako sa kaniya.

"Wag ka ng lumaban." Sabi naman ni JC kaya tumango tango nalang ako.

Sugod padin sila ng sugod sa akin pero umiiwas lang ako sa kanila. Sumisigaw nadin yung mga teacher na awatin kami pero wala namang sumunod.

Tumigil ako sa pag-iwas ko ng nakatumba na silang lahat dahil sa panay tulak ko sa kanila. Ang dami na pamo ng kumukuha ng video kaya paniguradong malalagot talaga ako.

Napatingin ako sa paligid ko atchaka ko naman nakita si Myke na kasama si Anna pero buti nalang wala si Ashley kung di malalagot ako don.

"Kuya sa likod!" Sigaw bigla ni Anna kaya napatingin agad ako sa likod ko. Nandoon si Ashley habang hawak yung tubong hawak din nung lalaki.

Sinipa ni Ashley yung lalaki atchaka humarap sa akin. "Hi hehe." Sabi ko atchaka pa kinamot yung ulo ko pero imbis na sagutin niya ako ay pumunta siya sa likod ko atchaka sinuntok yung lalaking kutsilyo naman yung hawak.

Sa isang iglap ay nasa Dean's office na agad kami. Hindi ko din namalayan na sa akin pala halos sila nakatingin. Si Ashley naman nasa tabi ko habang nakatingin sa Dean dito na si Dean Pabustan.

"Sinong nagsimula nito?!" May halong inis na sigaw sa amin ni Dean atchaka galit na tumingin sa akin. Nginitian ko naman siya pero walang epekto.

"Mr. Clarkson kahit kailan hindi mo natikom yang kamao mo!" Sigaw niya pa sa akin tsaka ko lang ulit siya nginitian.

"Can someone explain what happen." Sabi nung teacher na sumigaw kanila. "You. Explain." Sabi niya pa habang nakatingin doon sa lalaking sinuntok ni Ashley kanina.

Hindi naman siya nagsalita pa kundi yumuko nalang kaya wala din napala yung mga teacher na nandito. Kanina kopa kasi gustong ipaliwanag lahat pero hindi naman ako binibigyan pansin nila Dean Pabustan.

"Tapos naba yung game mo?" Pabulong na tanong ko kay Ashley atchaka naman siya tumango habang nakatingin padin kay Dean Pabustan.

Kanina pa sila nag-titinginan pero wala naman halos nagsasalita sa kanilang dalawa.

"Tinapos kona bago ako pumunta dito." Pabulong na sabi niya din habang nakatingin padin kay Dean Pabustan.

"Ms. Clarkson. Explain what happen." Mahinahong sabi na ni Dean atchaka naman umayos ng upo si Ashley.

"Thank you. Sa pagkaka-alam ko binastos ng mga lalaking to ang kapatid at pinsan ko. And you know Mr. Pabustan na impatient tong kapatid ko kaya naman sinuntok niya agad ang isa sa kanila."

Kahit medjo hindi maganda yung sinabi niya ay tumango tango nalang ako dahil tama naman yon.

"How sure you are Ms. Clarkson.. sa pagkaka-alam ko ay wala ka naman don." Napatingin ako sa likod ko dahil sa biglang pagsalita ng teacher na wala rin naman kanina.

"You can ask my sister and cousin kung ayaw niyong maniwala sa akin." Sabi pa ni Ashley atchaka tumingin kina Anna na nasa likod namin naka-upo din.

"And besides.. wala kadin naman doon, diba?" Napatingin ako kay Myke dahil siya yung nagsalita non.

Hindi na nakapagsalita pa yung teacher na nagsalita kanina kaya naman binalik nalang namin yung tingin namin kay Dean.

"Who are you?" Biglang tanong ni Mr. Pabustan kay Myke atchaka naman siya tumayo bago magsalita.

The Love Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon