Chapter 72

13 2 0
                                    

Chapter 72

💜~~ Ashley Pov ~~💜

Nagpalista na kami at agad din naman kaming natanggao dahil wala daw talagang gustong magpalista. Huli pa kaming nagpalista dahil baka marami pa yung mga nakapila pero karating namin ni isa wala kaya naman sunod sunod na kami.

Tinanggap din nila kami agad dahil daw mukha naman kaming magaling at namumukahan niya daw kami dahil nung Intrums nakita niya daw kami, sabi lang nitong kasamang student ng coach na nandito.

Bukas may practice na agad kami kaya naman pare-pareho kaming na excite. Pumunta muna kami ng court dahil doon nag practice yung mga Varsity kagaya nila.

Unang kaming pumunta ng canteen para bumili ng tubig para sa kanila. Hindi namin alam kung may tubig na ba doon o wala pero bumili padin kami para sure. Dumaan din kami ng locker para kumuha ng mga towel pero hindi na ako kumuha dahil alam ko namang meron si Myke doon, wala rin ako eh.

Agad na nagsitinginan sa amin yung mga basketball player dahil sa habang naglalakad nagkwe-kwentuhan pa kami. Napatigil lang kami ng mapansin naming may nakatingin sa amin, halos lahat ng Varsity ng basketball.

Agad namang nagsi-lapit sa amin yung ibang mga Varsity na kala mo hindi nagtra-training. Hindi sila ganon kadami at kakonti sakto lang pero parang mga baguhan lang yung iba at hindi pa maglalaro sa mismong Interhigh, feel ko lang naman.

"Mga walang hiya! Magsi-balik kayo dito!" Malakas na sita sa kanila nung coach nila atchaka pa sila pina push-up ng 50x. "Kayo diyan anong kailangan niyo?" Agad kaming napa-upo ng maayos at sumeryoso dahil sa tanong sa amin nung coach nila.

"Maghahatid lang po ng tubig." Sagot naman ni Alexa atchaka kami sinenyasan na tumayo at ibaba yung mga hawak namin. Sumunod naman kami atchaka bumaba sa pwesto namin dahil pinalapit niya din kami.

Napatingin ako kay Myke na nakatingin lang sa akin atchaka pa ngumiti kaya ngumiti din ako. Sinenyasan ko siya kung okay lang siya atchaka naman siya tumango kaya binalik ko nalang sa coach nila yung tingin ko.

"Para kanino yung tubig na dala niyo?!" Malakas na tanong niya sa amin atchaka naman kami nagkatitigan. Kailangan bang tanungin pa yon?

"Para kay Luke po yung akin."

"Sa pinsan naman pu niyang si Chris yung akin."

"Kay Ronnie po."

"Kay Mark naman po yung akin."

"Eh ikaw?" Lumapit pa sa akin yung coach nila, magsasalita pa sana ako pero nagsalita na siya ulit. "Bat dalawa yung iyo?" Dagdag pa niya.

"Para kay Albert at Myke ho." Sabi ko naman atchaka tumingin kay Albert na nandoon pa sa pinaka-dulo.

"May mga sports ba kayo?" Tanong pa niya sa amin atchaka lang kami tumango. Eto lang yung coach na sobrang daming tanong. "Anong sayo?" Tanong niya kay Micha na nasa kabilang dulo.

"Volleyball po kaming dalawa nung nasa gitna." Tinuro niya pa si Faith para malaman nung coach na si Faith yung tinutukoy niya. Tumingin naman siya kay Kate na nasa gitna ni Faith at Micha. Tinangnan niya ito na parang nagtatanong ng 'anong sayo?'.

"Chess po." Sagot naman niya atchaka namn nag 'o' yung bibig ni coach.

"Kayong dalawa?" Tanong niya pa sa amin habang naglalakad ng mabagal palapit ulit.

"Tennis po ako tapos Tennis Table po siya." Lalong napa 'o' yung bibig ni coach na parang hindi makapaniwala sa mga sports namin.

Marami pa siyang tinanong kagaya ng 'bat hindi kayo nag-training?' o di kaya 'anong mga pangalan niyo?' mas malala pa yung 'boyfriend niyo ba yung pagdadalhan niyo?' napaka-dami ng nandoon tas itatanong pa yon. Diba dapat sa amin nalang yon hindi na daoat siya mangelam.

The Love Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon