Chapter 22

36 6 0
                                    

*¹⁰-¹⁰-²⁰*

Chapter 22: Announce

Kate Pov

Monday na ngayon kaya naman maaga akong nagising baka kasi malate ako eh. Pumunta agad ako sa banyo nitong kwarto ko atchaka na naligo at nag-ayos.

"Papasok kaba ngayon anak?" Tanong sa akin ni Daddy.

"Opo dad kailangan eh." Sabi ko naman atchaka umupo sa may tabi nya.

"Ipapahatid kita kay tito Dave mo and then ipapasundo ulit kita." Sabi nya pa sa akin atchaka na rin kumain.

"Sino palang nagluto nito dad?" Tanong ko kay daddy.

"Si Manang Lucy kakabalik nya lang kanina nag bakasyon kasi sya kaya wala sya kahapon." Sabi nya naman.

"Manang Lucy!" Malakas na sigaw ko.

"Bakit hija?" Agad naman na punta nya sa may lamesa at tanong sa akin.

"Kumain na po ba kayo?" Tanong ko sa kanya.

"Kala ko naman kung ano... Oo kumain na kami kanina." Sabi nya naman.

"Kami?" Tanong ko sa kanya.

"Oo kami ni tito Dave mo." Sabi nya naman atchaka lang ako tumango. "Gusto mo ba ng gatas?" Tanong nya sa akin.

"Sge po salamat." Sabi ko naman atchaka na sya bumalik sa may kusina.

"Anong oras pala yung klase mo?" Tanong nya sa akin.

"7:30 po yung una naming subject pero monday ngayon kaya naman may flag pa ng 7:00." Sagot ko naman.

"Hindi kaba malalate?" Tanong nya sa akin. "Ala-sais na eh." Dagdag nya pa.

"Pang dra-drive naman po ako ni Tito Dave kaya hindi ako malalate." Sabi ko naman atchaka na pinapatuloy yung pagkain.

"Eh anong oras ang uwian mo?" Tanong nya naman.

"Alas-kwatro ng hapon po." Sagot ko naman.

"Saan ka nga pala nag-aaral?" Tanong nya sa akin hindi ko pa pala nasabi sa kanya.

"Sa Lost Angel Univ—." Hindi ko pa man natapos yung sasabihin ko dahil sa nagsalita na sya.

"Oh really don kami nagkakilala ng mommy mo." Nakangiting sabi nya.

"Talaga po?" Tanong ko naman.

"Oo kasama yung mga kaibigan namin." Sabi nya naman.

"Sino po?" Tanong ko.

"Sino paba edi yung mga magulang ng mga kaibigan mo." Sabi nya naman. Oo nga pala mag kakaibigan din sila dati ng mga magulang nila Ashley.

"Hindi mo nakwento sa akin na sa Lost Angel pala kayo nagkakilala." Sabi ko naman.

"Hindi ko naman kasi nagtatanong." Pilosopo din tong daddy ko kahit kailan talaga.

"Si Kyle pala kamusta?" Tanong ko naman kay Daddy.

"Ayos lang naman sya." Sagot nya lang atchaka na ulit kumain hindi na rin ako nagtanong pa dahil dumating na rin si Manang Lucy.

Umalis na rin ako sa bahay tsaka ako hinatid ni Tito Dave pinabilia ko na rin siyang mag drave para bonga.

Karating ko sa classroom namin sakto namang nagsisi-labasan narin sila para sa flag ceremony.

Kada Monday lang ang flag namin at kada another week naman kaming mga fourth year.

The Love Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon