Chapter 65

15 2 0
                                    

Chapter 65

💜~~ Ashley POV ~~💜

Nasa parking lot na ako and 5 minutes nalang late na ako kaya tumakbo na ako dahil ayaw ko ng malate at makakuha na naman ng consequence o absent.

Habang tumatakbo mo mapapansin mo din na may mga student na nagmamadali naring pumasok para hindi narin siguro malate.

Ng makarating sa classroom saktong sakto lang ako sa pagpasok ni Ms. kaya hindi ako late at ligtas.

Pumasok na ako kahit na pinagtitinginan ako ng mga kaklasi ko. Kapag naman tinitingnan ko sila umiiwas sila ng tingin.

"Anong nangyari kahapon?" Mahinang tanong sa akin ni Alexa habang nagtuturo ang lecturer namin.

Wag sana kaming mahuli.

"Uminom kami bakit?" Mahinang tanong ko naman sa kaniya.

Hindi ko alam kung bakit pa siya nagtanong.

"Hindi yon." Sabi niya atchaka bumuntong hininga. "...tingnan mo si Ethan." Sabi niya pa kaya napatingin ako kay Ethan.

Kaharap ko lang naman siya kaya madali ko siyang nakita.

Wala namang iba sa kaniya kaya bakit pa pinapatingin sa akin ni Alexa si Ethan.

"Anong meron?" Mahinang tanong ko atchaka lang ulit siya bumuntong hininga.

Ano bang meron.

"Mamaya mo nalang tingnan." Sabi niya kaya tumango nalang ako.

Habang nagtuturo yung lecturer namin hindi ko mapigilang hindi mapatingin kay Ethan bukod kasi sa sinabi kanina ni Alexa eh hindi din siya lumilingon sa akin katulad dati.

Hintay na hintay na akong mag recess para malaman ko kung ano bang nangyari o meron kay Ethan kailangan ko pa siyang tanungin.

Konting minuto nalang magbre-break na kaya naman niligpit na ng iba kong kaklasi yung mga gamit nila.

Katunog ng bell agad silang nagsitayuan atchaka lumabas yung iba lang naman.

Inayos ko muna yung gamit ko bago tingnan si Ethan pero naglakad na siya kaya naman agad ko ng sinara yung bag ko atchaka siya hinabol.

Hinawakan ko yung braso niya atchaka naman siya lumingon sa akin.

Ang dami niyang pasa sa braso at mukha niya.

"Anong nangyari sayo?" Tanong ko sa kaniya pero hindi niya ako pinansin atchaka na ulit naglakad.

"Hoy!" Malakas na tawag ko atchaka ulit hinawakan yung braso niya at hinarap sa akin.

Bakas sa mukha niya yung sakit at nagmamakaawa?

"Pwedeng bang wag ka ng lumapit sa akin!" Inis na sabi niya sa akin atchaka na ulit naglakad.

Naiwan lang akong nakatayo doon habang tinanong yung sarili ko kung ako ba yung dahilan kung bakit siya nagkaganon.

Agad na pumasok sa isip ko si Myke dahil sa pinagawa niya sa mga junior kahapon.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko...

Gusto ko napang matulog ulit para makalimutan lahat ng dapat kalimutan.

Sabi ko dapat hindi ko na siya--- sila iisipin pero lagi ko siyang naiisip.

Bukas na ang simula ng Intrums kaya naman wala ng klasi mamaya para sa mga practice practice daw.

Sa friday ang pinaka Intrums o ang ending ng Intrums dahil doon na kami sasayaw at kakanta sa araw na din yon sasabihin yung mga nanalo.

Isa pa yung zumba kasama ko din doon si Myke kaya lagi ko siyang nakikita.

The Love Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon