Chapter 76

3 0 0
                                    

Chapter 76


💜~~ Myke Pov ~~💜




Sabado na ngayon at papunta na ako sa bahay nila Ashley. Pinauna na akong umalis nila Mommy dahil daw na-delay ata yung flight nila kaya hindi na muna daw agad silang pupunta sa Airport.



Hindi ganon kabilis akong nakapunta sa kanila dahil masyadong traffic at madaming tao sa kalsada. Hindi rin naman ako nagpatakbo ng ganon kabilis dahil baka may mabangga ako.



Ng makarating ako sa kanila agad akong pinagbuksan nung guard kaya dire-diretyo narin akong nagpark sa garahe nila. Nakita ko pa sina Carlo at Albert na nasa terrace sa 3rd floor kapasok ko pero katingin ko ulit ay wala na sila doon.



"Aga mo ata." Napatingin ako sa nagsalita at si Albert pala yon. Kinukuha ko dala kong isang malaking bag atchaka lumapit sa kanila.



"Pinauna na ako eh." Sabi ko naman atchaka na kami naglakad. Nakarating kami sa kwarto ni Ashley atchaka kumatok doon si Carlo pero walang sumagot.



Naka-lock yon kaya naman kumatok lang kami ng kumatok kahit walang sumasagot galing doon. Hindi rin naman namin siya nakita sa sala at sinabi rin nila na nandito lang naman daw siya kanina.



"Call niyo na kaya." Sabi ko naman sa kanila atchaka naman nilabas ni Albert yung cellphone niya atchaka ki-nall si Ashley. Nagri-ring yan yon pero walang sumasagot.



"Samahan mo na muna siya sa guest room atchaka ko naman hahanapin si Ashley." Sabi bigla ni Carlo atchaka naman tumango si Albert atchaka na siya naglakad at sinenyasan akong sumunod sa kaniya.



Binaba ko sa may kama yung bag na hawak ko karating atchaka tumingin kay Albert. "Asan ba si Ashley bat wala sa kwarto niya?" Tanong ko sa kaniya atchaka naman kumunot yung noo niya.



"Abay sama sama tayong tatlo tapos sa akin mo tatanungin? Nako malay ko ba." Sabi niya atchaka na naglakad papunta sa pinto kaya sumunod na ako sa kaniya. "Baka nanjan lang yon sa tabi tabi." Sabi niya pa habang naglalakad na kami pa akyat ng 3rd floor.



"Hoy Ashley!" Napatingin ako kay Albert dahio sa biglang pagsigaw niya. "San ka nang-galing?" Agad kaming naglakad papunta sa gawi nila Ashley na papunta na rin sa gawi namin.



Parang hotel tong bahay nila Ashley eh bukod sa malaki ang dami pang kwarto. Kulang nalang ay counter sa baba at pagdikit dikitin ang mga kwarto. Kita mo kasi mula dito yung 1st floor dahil narin sa wala naman semento o ano na nakaharang sa hagdan nila.



"Kala ko ba mamaya kapa?" Tanong ni Chichi atchaka naman na umalis sina Albert at Carlo. Lumapit ako sa kaniya atchaka siya niyakap. Hindi naman sa ayaw kong gawin yon pero hindi ko alam kung bat ko ginawa yon.



"Pinapunta kasi ako ni Mommy dito agad.. maya maya pa daw sila aalis at ayaw na nila akong pasamahin sa airport." Sabi ko naman atchaka lang siya tumango tango.



Naglakad kaming pababa hanggang sa kwarto niya atchaka siya may kinuhang susi sa bulsa niya para mabukas yon. Maliwanag yung kwarto niya dahil sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana. Hindi naman kasi nakasara yung mga kurtina kaya maliwanag.



"Bat pala naka-lock tong kwarto mo? Sa taas kalang naman galing diba." Sabi ko sa kaniya atchaka naman niya ako tiningnan. Umiinom kasi siya ng tubig na galing doon sa maliit niyang ref.



"Para walang pumasok.. may nawawala kasi sa gamit ko eh." Sabi naman niya atchaka na lumapit sa akin na nandito sa maliit na sofa naka upo. "May dala kabang damit? Bat parang wala kang bag." Sabi niya pa sa akin.



The Love Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon