Chapter 23

33 5 0
                                    

*¹⁰-¹⁰-²⁰*

(Edit ko nalang later HAHAHAHA)

Chapter 23: Garden

Myke Pov

Papunta na kami ni Ashley sa Dance Club ngayon may practice kasi kami ng Monday kaya katapos naming mag-klasi sinundo ko na agad sya para makarating agad kami ng dance room.

"Ashley?" Tawag ko kay Ashley.

"Bakit?" Tanong naman nya sa akin.

"May pag-asa ba ako sayo?" Tanong ko bumuntong hininga naman sya.

"Pwede ko bang sabihin wala?" Tanong nya kaya biglang kumunot yung noo ko. "Joke lang." Sabi nya naman atchaka pa tumawa.

"Ano nga kasi?" Naiinis na sabi ko.

Baka naman kasi wala naman talaga akong pag asa sa kaniya tapos umaasa ako.

"Ewan."

"Bakit ewan?" Tanong ko naman.

"Hindi ko alam kasi ayaw ko namang mahalin ka dahil mahal mo ako gusto kitang mahalin dahil mahal kita." Sabi nya naman.

"So mahal mo ko?" Nakangiting tanong ko.

"Hindi." nang-aasar bato oh ano. "... Ang ibig kong sabihin non gusto kitang mahalin ng natural hindi yung mamahalin kita dahil natutunan ko lang." Dag-dag nya pa atchaka na humarap sa dinadaan namin.

"Ah ganon ba yon kala ko ba naman mahal mo din ako." Sabi ko naman atchaka pinisil pisil yung kamay ko.

"Hindi ka naman mahirap mahalin eh." Sabi nya naman bigla kaya napaharapa ko sa kanya.

"Eh bakit ayaw mong ligawan kita?" Tanong ko naman sa kanya.

"Ayaw ko kasing masaktan ulit atchaka hindi ko alam kung handa naba akong mag-mahal ulit." Sabi nya naman atchaka na binuksan yung pinto ng dance club.

"Hindi naman kita sasaktan eh." Sabi ko naman atchaka na humarap kina Jaimie.

"Hello!" Bati nya sa amin.

"Hello din." Bati ko naman atchaka pa sya kinawayan.

"Okay saktong 20 na tayong lahat." Sabi nya naman atchaka pumunta sa harap sumunod naman kami sa kanya. "No... umupo lang kayo." Sabi nya kaya bumalik na kami sa pag-kakaupo.

"Wala na muna tayong practice siguro mga 2 weeks before Intrums don nalang tayo magpra-practice." Sabi ni Jaimie.

"Hindi ba tayo magagahol sa oras non?" Tanong nung isa naming kasama.

"Hindi kasi mabilis kayong matuto kahit nga one week lang tayo mag-practice siguro ma kakabisado nyo na." Sagot naman ni Jaimie. "Wala na ba kayong tanong?" Tanong nya sa amin.

Nag-taas naman ng kamay si Ashley kaya tiningnan sya ni Jaimie. "Pwede na bang umuwe?" Tanong nya dito.

"Ahh— oo pwede na kayong umuwi kapag magpra-practice tayo sasabihin ko naman sa inyo." Sabi nya atchaka pa nag bow sa harap namin.

Nagsi-labasan na kami sa dance club para umuwi na.

"Ashley?" Tawag ko kay Ashley.

"Bakit?" Tanong naman nya.

"Jan ka ba dadaan?" Tanong ko.

"May kukunin pa ako sa locker ko eh." Sabi nya atchaka huminto. "Sasama kapaba?" Tanong nya.

The Love Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon