Chapter 1

167 13 0
                                    

<⁰⁹-⁰⁵-²⁰>

Chapter 1: Lost Angel University

Ashley Point of view

Nasa bago naming bahay kami ngayon kasama ko tong mga kaibigan ko.

"Okay lang ba talaga na sa Lost Angel University tayo mag aral?" Tanong ni Micha sa amin.

"Name palang nakaka curious na kasi nawawala yung Angel kaya siguradong nagugustuhan natin yung school na to." Sagot naman ni Kate.

"Atchaka kaya dito tayo nag enroll para mag bagong buhay." Dagdag pa ni Faith.

"Alexa at Ashley mahabain nyo ang pasensya nya okay." Sabi sa amin ni Micha.

"Oo na wag ka ng maingay diyan." Sagot naman ni Alexa atchaka pumunta sa kwarto nya.

Kakalipat lang namin sa bahay nato kaya inaayos pa namin yung mga gamit-gamit.

"Ashley yung iba mong damit nandito sa kwarto ko!" Sigaw ni Kate sa akin kaya pumunta agad ako sa kwarto nya.

"Kate! Asan na?" Kapasok ko sa kwarto nya nandoon si Alexa.

"Doon na siya sa kabila nagpalit kami." Sabi sa akin ni Alexa.

"Ganon ba sige salamat." Sabi ko atchaka pumunta sa kabilang kwarto.

"Kate!" Pag tawag ko sa kanya atchaka kumatok ng malakas.

"Andaaalliii laaang!" Sigaw nya sa akin atchaka bukas yung pinto.

"Ayan na!" Sabi nya tsaka bigay nung plastic.

"Salamat!" Sigaw ko atchaka bumalik sa kwarto ko.

Nag ayos na kami ng kanya kanyang kwarto namin para narin mawala yung mga kalat. Sa metro village kami nakatira ngayon kalilipat lang namin kanina kaya nalilito pa ako kung saan yung kwarto nila.

"Bilisan nyong mag ayos dyan at pupunta pa tayo ng mall para mamili ng gamit natin!" Sigaw ni Micha na nasa sala ata doon kasi nanggaling yung boses eh.

"Oo andali lang!" Sigaw namin pare-pareho.

"Nakaligo ba kayo ng maayos?" Tanong sa amin ni Alexa.

"Hindi man masyado kasi nag mamadali tong si Micha eh."

"Wag na kayong dumaldal dyan bumaba na kayo!" Sigaw pa din ni Alexa kaya bumaba na kami.

"Asan na si Faith?" Tanong ko sa kanila.

"Baka nasa taas pa." Sagot naman ni Kate.

"Faith! Bilisan mo!" Sigaw ko sa may hagdan.

"Eto na!" Sabi nya tsaka bumaba hindi pa man nya natungtong yung huling hagdan bigla naman syang nadulas.

*DUG*

"Anong ginagawa mo Faith?" Tanong namin sa kanya atchaka tumawa ng malakas.

The Love Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon