Chapter 10

48 5 0
                                    

*⁰⁹-¹⁵-²⁰*



Chapter 10: Sino siya?



Myke Point of view



Nasa bahay namin ngayon si Ashley nag mumuni-muni doon sa sala tapos ako naman eto nakatitig lang sa kanya. Hindi ko ba alam pero engaged naba talaga sya?



Bigla nalang akong natauhan nung tinawag ako nung isa sa mga katulong namin sya si Mia anak sya nung head ng mga katulong, nag luluto at iba pa.



"Sir!" Sigaw sa akin ni Mia kaya naman bigla akong nagulat.



"Wag mo nga akong ginugulat Mia." Mahinang sabi ko sa kanya.



"Pasensya na sir pero nakatitig ka lang kasi diyan sa bisita mo kaya niyugyog na kita." Paliwanag naman nya ilang beses nyana ba akong tinawag?



"Ganon ba sige."



"Pangit na babae!" Sigaw ko kay Ashley humarap naman agad sya sa akin.



"Wag mo nga akong tawaging pangit dyan!" Sigaw nya namam atchaka lumapit sa akin.



"Bilisan na nating mag practice dahil kailangan ko pang umuwi."



"Oo na! Dito sumunod ka sa akin!" Sigaw ko naman sa kanya atchaka na kami pumasok sa loob ng Dance Room hindi to ganon kalaki  pareho lang sila ng size ng kwarto ko kaya okay na din may sariling speaker din to.



"Sana may ganto din ako." Mahinang bulong nya habang tiningnan yung mga gamit.



"Pag naging tayo bibigyan kita ng mas malaking Dance Room." Sabi ko sa isip ko pero...



"Pardon?" Tanong nya nasabi ko ba yon ng malakas?



"Sabi ko umpisahan na natin." Sabi ko atchaka pumunta sa may computer.



"Yan yung sayaw tapos beat lang yung mga tunog nya wala yang lyrics kaya naman siguradong madali lang to." Sabi ko pa atchaka pinakita sa kanya.



Isang oras din naming mine-memorise yung unang part hanggang chorus pag nagkamali kami ulit agad para magawa namin ng maayos.



Mas maganda tong pangit nato kapag pawis sya...



Makikita mo talagang magaling sumayaw si Ashley hindi ko ba alam pero parang mas lalo akong nafafall sa kanya.



"Hoy!" Sigaw nya sa akin.



"Bakit?" Tanong ko sa kanya.



"Kanina pa kita tinatawag sabi ko magpahinga na muna tayo." Sabi nya pa atchaka umupo sa may gilid.



"Mag papakuha lang ako ng pagkain nakakahiya naman sayo eh." Kailangan kong maging mean ng konti sa kanya para narin mawala na sila sa school nato at matanggal na yung pagkagusto ko sa kanya.



Kalabas ko ng Dance Room huminga na muna ako ng malalim atchaka palang pumunta ng kusina para hanapin si Mia.



"Mia!" Sigaw ko dito pero hindi pa rin sya lumalabas. "Mia!"



"Yes po?" Tanong nya sa akin.



"Pangdala mo kami ng merienda sa Dance room nakakahiya naman doon sa kasama ko baka gutom na."



The Love Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon