Chapter 57

9 2 0
                                    


Chapter 57

💜~~ Myke Point of view ~~💜

Lunch na ngayon at hindi padin ako kinakausap ni Ashley naiinis na nga ako dahil parang hindi niya man ako nakikita o parang hindi niya man ako kakilala.

Tahimik lang akong kumain ng bigla namang dumating si Ethan atchaka umupo sa may tabi ni Ashley na sa may dulo kasi siya nitong table namin kaharap ko si Carlo tapos katabi niya si Ashley.

"Hello sa inyo." Nakangiting bati niya sa amin pero walang pumansin sa kaniya.

"Anong kailangan mo?" Tanong naman ni Ashley sa kaniya atchaka naman niya tiningnan si Ashley pero nakatingin padin si Ashley sa pagkain niya.

"Narinig ko kasing kapatid mo ata tong si Al-bert. Tama ba?" Tanong naman niya atchaka naman tumungin si Albert sa kaniya.

"Anong kailangan mo?" Tanong naman ni Albert sa kaniya atchaka pa sumandal sa upuan niya.

"Ipapa-alam ko sana na liligawan ko tong si—." Hindi ko na pinatapos yung sasabihin niya dahil sumabat na ako.

"Bawal." Diretsiyong sabi ko atchaka tiningnan siya ng masama.

"Kapatid ka niya?" Nang-aasar na tanong naman niya sa akin.

"Manliligaw." Sabi ko naman atchaka lang siya tumingin kay Albert.

"Kung ako okay pero kung kay Ashley ewan ko lang." Sabi nsman niya kaya napanganga ako.

"Albert." Mahinang sabi ko pa pero ngumiti lang siya sa akin.

"Ano Ashley?" Tanong pa niya atchaka muna tumungin sa akin si Ashley atchaka tumungin kay Ethan.

"Bawal." Sabi niya atchaka ulit tumingin sa kinakain niya.

Inakbayan naman siya ni Ethan na kinagulat naming lahat napatigil din si Ashley sa pagkain niya.

"Wag ka ng pakipot." Sabi pa niya atchaka pinisil yung balikat ni Ashley kaya tatayo na sana ako kaso pinigilan ako ni Albert.

"Tanggalin mo yang kamay mo o babaliin ko yan." Walang takot na sabi ni Ashley pero hindi naman sumunod si Ethan.

"Tanggalin mo na." Sabi naman ni Carlo pero hindi pa din niya pinansin yon.

"Pag binali mo to gamutin mo ng isang halik ah." Sabi pa ni Ethan atchaka naman kinuha ni Ashley yung kamay niya atchaka yon inikot.

"Ahh! Aray! Andali!" Sigaw ni Ethan pero hindi binitawan ni Ashley yung kamay ni Ethan.

"Binalaan ka na hindi mo pa inalis." Sabi pa ni Ashley atchaka hinigpitan yung hawak niya kay Ethan.

"Tama na please!" Sigaw pa ni Ethan kaya lalo kaming pinagtinginan ng mga studyante na nandito din.

"Ate tama na." Sabi naman ni Anna kaya binitawan na ni Ashley si Ethan atchaka naman napaluhod si Ethan sa may sahig.

"Touch me again and I'll kill you." Sabi pa ni Ashley atchaka na ulit yumuko at kumain na parang wala mang nangyari.

"Hindi ka padin nagbabago." Sabi naman ni Agatha atchaka lang siya nginisian ni Ashley.

"Tawagin mo nalang ako kung may kailangan kapa." Sabi naman ni Ashley atchaka na tumayo si Ethan at umalis na.

"At ikaw." Sabi niya atchaka ako tiningnan kaya naman tapa-ayos ako ng upo.

"A-ako?" Tanong ko naman atchaka siya bumuntong hininga.

"Wag kang magseselos doon kasi ikaw yung gusto ko hindi siya o sila." Sabi niya pa kaya natigilan kaming lahat ngumisi naman siya atchaka pa ako kinindatan.

The Love Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon