Chapter 59

6 1 0
                                    

Chapter 59

💜~~ Ashley POV ~~💜



"Kaya paba?"



"Kaya pa."



Nandito kami ngayon sa gym naglilinis.



Mabait naman pala sila eh nakakatawa nga lang dahil ang dami nilang back-up kaso may mga pasa na ngayon dahil sa amin.



Sina JC at Albert pinabalik ko na sa classroom nila wala na rin naman silang gagawin dito eh.



Dumating din yung pinaka leader daw nila--- ang pogi niya pero hindi ko siya type.



"Ms. Ganda kaya pa ba?" Napatingin ako sa nagsalita yung pinaka leader pala nila.



"Ano nga ulit pangalan mo?" Tanong ko sa kaniya.



Nakalimutan ko kasi yung pangalan niya eh atchaka siya lang naman yung nag pakilala yung iba hindi na.



"Noah nga." Sabi niya.



Patapos na rin kaming maglinis madami kasi sila kaya agad natapos.



"Okay lang naman." Sabi ko atchaka umupo sa tabi niya.



Nakakapagod mag mop nitong buong gym kahit kalahati lang naman yung minop ko.



"Oh." Napatingin ako sa tubig na hawak niya dahil binibigay niya sa akin.



Ang gentleman naman niya.



"Salamat." Sabi ko atchaka kinuha yung tubig.



Tinungga ko na rin yon ng isang tunggaan lang. Hindi naman ako pagod pero ang sakit ng likod ko.



"Tara kain tayo sa canteen." Sabi niya atchaka na rin tumayo.



Inayos na muna namin yung mga gamit na ginamit namin atchaka na rin pumunta sa may canteen.



Para nila akong prinsesa dahil ako lang ang babae sa kanila tapos ako pa tong nasa una para kaming gang na papasok sa gulo.



"Mauuna na ako sa inyo pupuntahan ko pa yung mga kaibigan ko." Sabi ko atchaka na sana iiba ng direksyon pero hinawakan ni Noah yung kamay ko.



Tiningnan ko naman siya dahil sa pagpigil niya sa akin.



"Bakit?" Tanong ko sa kaniya atchaka naman niya ako binitawan.



"Pangalan mo?" Tanong niya atchaka naman ako umayos ng tayo.



Tiningnan ko lang siya hanggang sa ngutian niya ako.



"Ashley." Sabi ko tsaka lahad ng kamay ko sa kaniya.



Tinanggap niya naman yon atchaka ko rin agad binawi.



Ang lambot ng kamay niya parang yung kay Myke.



"Sumabay ka na sa amin ililibre kita." Sabi niya kaya napangiti ako.



Ikaw ba naman ilibre hindi ka mapapangiti.



"Tara na." Sabi ko atchaka na naglakad.



Iniwan na muna nila ako dito sa may table atchaka na sila nag-order.



Bali walo kaming lahat ngayon kasama pa kasi niya yung mga lalaki kanina.



The Love Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon