Chapter 20

39 6 0
                                    


*¹⁰-⁰¹-²⁰*

Chapter 20: Totoo ba yon?

Luke's Pov

Nasa sala kami ngayon ng bahay nila Micha nanonood lang sila ng cartoons habang ako nakatunganga lang din sa tv gusto ko kasing panoodin yung mga bakbakan, patayan ganon.

Si Micha makikita mo rin sa mata nya na bored na bored sya sa pinapanood nila.

Ang may gusto naman kasi nyang spoogeboobs sina Faith, Alexa, Kate, Ronnie atchaka si Chris si Mark at Myke ganon din bored na bored.

"Gusto ko ng bakbakan." Mahinang sabi ni Micha kaya napatingin ako sa kanya.

"Ako din eh." Sabi ko naman.

Lagi nalang kasing cartoons yung pinapanood ko dati kaya dapat may upgrade na.

"Kanina pa kayo jan dapat kami muna." Sabi naman ni Mark pero walang nakinig sa kanya.

"Hintayin nyong mag ala-una." Sabi naman ni Micha kaya napatingin ako sa orasan ko.

"12:50 na anong meron kapag nag 1 na?" Tanong ko kay Micha.

Ano kayang meron lilindol ba? O babagyo.

"Basta."

Hinintay nalang namin mag ala-una kagaya ng sinabi ni Micha. Bago mag saktong ala-una bumaba na si Ashley atchaka pa humikab.

"Yan na hihi." Mahinang sabi ni Micha.

"Ano bang meron?" Tanong naman sa kanya ni Myke.

"Basta hintayin nyo lang." Sabi naman ni Micha.

"Hello mga bruha kong kaibigan ala-una na po!" Malakas na sigaw ni Ashley.

Ang lakas ng boses niya lalaking lalaki pa.

"Ashley nanonood ba kami eh." Sagot naman ni Kate.

"Ala-una na!" Malakas na sigaw padin ni Ashley. "Kanina pa kayo nanonood dyan ng cartoons inip na inip na yung mga kasama nyo kaya ako na ang maglilipat!" Sabi nya atchaka kinuha yung remote kay Alexa.

"Kapag natapos yon kami na no." Sabi naman ni Faith.

"Depende." sagot lang ni Ashley atchaka nilipat sa channel 12 mga bakbakan yon.

"Ayan na!" Sigaw ni Micha atchaka na humarap sa akin atchaka nag thumbs up.

"Eto ba yung sinasabi mo?" Tanong ko kay Micha atchaka naman sya tumango habang nakatingin padin sa tv.

Malapit na sa exciting part yung pinapanood namin hindi ko alam yung title nya pero FPJ sya.

"Suntukin mo!" Malakas na sigaw ni Ashley kaya napatingin kaming mga lalaki sa kanya.

"Suntok! Suntok!" Sigaw naman ni Micha kaya napunta sa kanya yung tingin namin.

Ang ingay nilang manood.

"Sa likod mo!" Sigaw naman ulit ni Ashley kaya napunta ulit sa kanya yung tingin namin.

"Sipa!" Sigaw ulit ni Micha kaya tumingin ulit kami sa kanya.

"Patay!" Sigaw nilang pareho atchaka pa sumuntok suntok sa hangin.

Katapos nung pinapanood namin naka-upo pa din kami at naghihintay ng bagong palabas.

"Hindi paba tayo mag-lulugaw?" Tanong bigla ni Alexa. Alas-tres na ng hapon.

"Kakakain lang natin eh." Sabi naman ni Ashley atchaka tumingin kay Micha.

The Love Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon