Chapter 34

34 3 0
                                    

Chapter 34: Bahay ni Ashley

❤️~~ Ashley Pov ~~❤️

Nakatayo kami ni Albert malapit sa may sala nakatingin lang sya ng masama sa akin kaya naman tiningnan ko lang din sya ng masama.

Nasa sala na silang lahat nakita ko na din si Kate na nakikipag-kwentuhan sa kanila. Si Myke nakita ko namang nakatingin lang sya sa t.v.

"Ano lalaban kana?" Matapang na tanong sa akin ni Shokoy.

"Oo bakit ikaw lalaban ka?" Tanong ko sa kanya.

"Oo naman." Sabi naman nya atchaka sana ako aatake pero hinawakan ko yung kamay nya.

"Saan mo gustong masaktan?" Tanong ko sa kanya atchaka sya hinawakan.

"Ashley wag." Sabi naman nya pero binaba ko sya sa tiles. "Prinsesa ko please!" Sigaw nya bago ko paman sya makiliti.

"Walang please please." Sabi ko atchaka sya kinilita.

"Ta—ma—na!" Sigaw nya saakin habang tumatawa. Napansin ko naman na tumingin sa amin sina Myke.

Nakapatong lang ako kay Albert habang kinikiliti pa din sya.

"Ta—ma—na!" Sigaw nya pa habang tumatawa. "Pag talaga ako nakawala dito." Sabi naman nya habang kinikiliti ko padin sya. Nahawakan nya yung kamay ko kaya naman hindi ko sya nakiliti at ako naman ang kiniliti nya.

"Sho—koy!" Sigaw ko. "Ta—ma—na!" Sigaw ko pa habang kinikiliti nya pa din ako.

"An—na!" Malakas na sigaw ko. "An—na!" Sigaw ko pa habang kinikiliti pa din ako ni Albert.

"What?" Tanong naman nya.

"Help me!" Sigaw ko sa kanya kaya naman binitawan nya muna yung ipad na hawak nya atchaka pilit nilayo sa akin si Albert. Ng maalis na ni Anna si Albert sa akin nagtago naman sya agad sa likod ko.

"Lagot ka sa akin Anna!" Sigaw ni Albert atchaka sana kukunin si Anna pero tinago ko lang sya sa likod ko. "Si Ashley na pala ang tinutulungan mo ah." Sabi pa ni Albert atchaka pilit kinukuha si Ashley.

"Mama inaaway ako nila Ashley at Anna!" Sigaw ni Albert.

"Edi tawagin mo si mama." Sabi naman ni Anna atchaka nagbelat kay Albert. Nakita ko namang sumenyas si Albert kay Anna.

Pumunta si Anna kay Albert atchaka ako tiningnan. "Lagot ka ngayon ate wala kang kakampi." Sabi naman nya.

"Okay lang kaya ko kayong dalawa." Sabi ko naman.

"Belat mo tatalunin ka namin." Sabi naman ni Albert atchaka pa sila nag apir ni Anna.

Hihilahin sana ako ni Albert pero umilag ako. "Anna." Dinig kong sabi ni Albert atchaka naman ako kukunin sana ni Anna pero tumakbo ako hinabol lang nya ako hanggang sa makarating ako sa mismong sala na.

"Micha tulungan moko." Sabi ko kay Micha pero umiling sya sa akin.

"Wala kang kakampi dito." Sabi naman ni Albert atchaka ako pilit kinukuha silang dalawa ni Anna.

Tumakbo ako papuntang kusina para hindi sila gaanong makapag-gulo doon.

"Hindi ka na makakalabas dyan!" Sigaw ni Albert habang hinahabol ako. Sinara ko agad yung pinto atchaka huminga.

"Okay ka lang ba?" Tanong ni Manang.

"Okay lang po." Sabi ko naman.

Pumunta ako ng garahe para sana dumaan sa may pinto sa harapan ng bigla ko namang nakita yung kotseng papadating.

The Love Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon