Chapter 3

90 9 0
                                    


*<⁰⁹-⁰⁷-²⁰>*


Chapter 3: Baby Girl


Kate Point of view


Nakauwi na kami sa bahay namin ang daming nangyari ngayong first day alam nyo kung bakit kasi unang araw palang meron na agad nambubusit sa amin at syempre sino paba edi yung limang lalaking pogi sana pero  parang wala ng bukas ang ugali pero okay lang naman yun dahil napahaba namin yung mga pasensya namin lalo na si Ashley... Nakakatawa nga eh kasi parang magic na bigla nalang humaba yung pasensya nya pero para din naman sa amin yung ginagawa namin kahit na labag sa loob namin ang mag mukhang inosente kailangan naming gawin yun pra narin maka graduate kami ngayong taon.


"Bilisan nyong mag ayos diyan baka malate tayo!" Sigaw sa amin ni Micha na nasa labas na ng bahay pinapainit yung motor nya.


Pupunta kasi kami sa restaurant namin ngayon... Oo restaurant namin yun kami yung nagtayo non 2 years ago na doon din kami natutulog dati pero lumipat kami sa condo tapos lumipat kami ngayon dito sa bahay namin.


MIAPA BAR yung pinangalan namin sa restaurant namin dahil yun lang yung magandang naisip namin at siguradong wala din yun katulad.


"Ang tagal nyo sobra." Sabi ni Micha tsaka sumakay sa motor nya.


"Wala naman sigurong masama kung malalate tayo diba." Sagot ko naman sa kanya wala naman talagang masama kung malalate kami eh kasi substitute lang naman kami doon sa bandang hindi daw makakapag attend ngayon dahil daw busy sila ngayong week nato.


Kumakanta din kami sa bar na yun kada Wednesday pero dahil hindi nga sila nakapunta kami nalang yung ginawang substitute nila.


Karating namin sa Bar marami ng tao na mukhang nag hihintay ng bandang kakanta.


"Bat ngayon lang kayo?" Tanong sa amin nung manager ng bar nato kaibigan din namin siya kaya siya na yung ginawa naming manager at siya narin yung nag mamanage nitong bar na pinatayo namin mas matanda siya sa amin ng limang taon kaya gina-galang padin namin sya.


"Pasensya na Mommy Jeremy traffic kasi eh." Pag-gawa ng dahilan ni Alexa mukha naman naniwala si Mommy J. kaya okay narin yun. Baka nagtataka kayo kung bakit Jeremy yung pangalan nya yes po bakla pu sya at hindi namin kinakahiya yun dahil mabait syang tao at hindi sya iba sa amin.


"Sge na pumunta na kayo doon sa stage kanina pa naghihintay yung mga costumer natin eh."Sabi nya kaya pumunta agad kami ng speaker at inayos yung mga gamit namin.


Si Ashley yung sa mga drums si Alexa naman gitara yung hawak nya yung gitarang apat lang yung string ano bang tawag don nakalimutan ko eh. Si Micha naman doon sa may piano at kaming dalawa ni Faith yung vocal kumakanta din silang tatlo pero mas pinili nila yung ganong posisyon.


Kanya-kanyang request ng songs yung mga costumer yung iba nag bibigay pa ng tip para sa amin. Habang wala pang nag re-request ng kanta nag chika chika muna kami ni Faith sa mga costumer namin para hindi sila mainip.


"Wala ba kayong tanong mga ate at kuya?!" Malakas na sigaw ni Faith sa mike.


"Meron ako!" Sigaw naman nung isang lalaki kaya lumapit agad ako.


"Anong pangalan ni kuya?" Tanong ko don sa lalaking meron daw tanong.


"Hindi ako lalaki, babae ako." Sabi nya sa akin atchaka ako hinampas ng mahina.


The Love Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon