Chapter 66

18 3 5
                                    


Chapter 66

💜~~ Ashley Pov ~~💜

Papunta na ako sa distenasyon ko ngayon syempre sa bahay lang naman ang patutunguan ko.

Pero bago pa man ako makarating sa bahay bumili muna ako ng alak sa malapit na minimart dito sa may subdivision namin.

Hindi sumama sina Albert at JC kina Alexa at ako yung pinili nilang makasama dahil may pag uusapan pa daw kami.

Kagaya lang siguro nung uminon kami ni JC sa bahay din namin.

Konting tanong ay hindi madami pala sobrang dami ng tanong niya sa akin.

Doon ko na nga pinapatulog kaso kailangan niya daw umuwi kaya pinaalis ko na.

Ang totoo niyan dapat si Albert talaga yung bibili kaso dahil siya naman ang magbabayad sabi ko ako nalang pero sa kaniya parin pera syempre.

"Sa inyo po lahat to ma'am?"

Ang dami kasi ng binili ko 30 lahat syempre tig sasampu kamu pero kung may matira mas maganda para may iinumin pa ako bukas.

Hindi ko alam kung paano ko ipagkakasya sa motor ko tong lahat na to pero bala na.

Agad kong nilagay sa compartment ng motor ko yung isang plastic at ayun nag kasiya siya kaya naman sinara ko na yon atchaka naman sa bag ko nilagay yung isang plastic.

Mas maliit to at sa tingin ko mga sampu lang yung laman nito kaya kasyang kasya sa bag ko.

Wala kasi akong dinalang gaanong gamit ngayon dahil hindi na naman gaanong madami daw gagawin namin ngayon dahil nga bukas na ang simula ng Intrums.

Wednesday to Friday.

Pero may klasi padin bukas at sa Thursday kaso half day lang dahil hapon magsisimula yung mga sports.

Bukas ng umaga gaganapin yung cooking contest, spoken contest, Quizbee at madami pa.

Sa hapon naman gaganawin yung ibang mga sports. Kaya ginawang half day para daw kung gusto naming manood.

Alam na alam ko diba syempre nakinig ako eh.

Umalis na ako sa minimart atchaka na pumunta sa bahay nandoon na sila kaya naman diretyo pasok nalang ako.

"Ang dami naman niyan." Sabi bigla ni JC atchaka ko naman nilapag sa harap nila yung dalawang plastic.

Nasa may sala sila nanonood ng tv.

"Para sure na may sobra." Sabi ko naman atchaka umupo sa gitna nila.

Pinatay naman ni Albert yung tv atchaka na sila humarap sa akin.

"May nangyari ba sa inyo ni Myke?" Tanong sa akin ni Albert.

Ganyan na ganyan din yung tanong sa akin ni JC nung isang araw.

"Walang nangyari sa akin." Sabi ko naman atchaka sumandal sa sufa.

Bahagya akong tumingin sa kisame atchaka tumingin sa kanila.

"Diba sabi niyo worth it naman ako sabi niyo okay naman ako pero bakit hindi padin ako yung pinipili nila."

Sa hindi namalayan na dahilan bumagsak yung luha na nanggaling sa mata ko. Hindi ko na mapigilan kasi namumuo nanaman yung sakit na nararamdaman ko.

Kaya ayaw kong magmahal kasi ganyan nalang lagi yung nangyayari.

Masakit na! Sobra!

"Ano ba kasing nangyari?" Tanong nanaman ni JC tinanong niya rin yon nung uminom kami pero hindi ko sinagot.

The Love Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon