*¹¹-⁰⁸-²⁰*
Chapter 32: Number
❤️~~ Myke Pov ~~❤️
Hindi ko kina-usap si Ashley hanggang matapos yung lunch. Kahit na nahihirapan ako naman yung may gusto non eh titingnan ko lang kung kaya ko ba o kaya nya ba na hindi ako kausapin. Kung ako hindi ko kaya pero kung sya kaya nya ata.
Nasa classroom lang kami ngayon hinihintay yung lecturer namin sa Mapeh si Ms. Nicole yon napalitan na nung isang araw ata yon. Ang sabi pa nila mababago daw yung schedule namin sa monday.
"Good Afternoon class!" Bati sa amin ni Ms. Nicole.
"Good Morning Ms. Nicole." Bati namannamin sa kanya.
"Bago ako mag turo gusto ko sanang ipatawag yung mga student sa Love-2 hindi kasi ako nakapagturo sa kanila kanina dahil may pinagawa sa amin." Sabi naman nya. "President ikaw nalang ang tumawag sa kanila." Sabi pa ni Ms. Nicole kaya naman tumayo na yung President namin para tawagin sila.
"Kayong mga natira ilagay nyo sa mga gilid yung mga upuan nyo para may space din sila." Sabi naman ni Ms. Nicole kaya naman nilagay na namin yung mga upuan sa side bago matapos dumating naman yung mga student ng Love-2.
"Sa baba nalang kayo umupo ah!" Rinig kong sabi ni Ms. Nicole na nasa labas. Nakapila lang sila naka hiwalay yung girls sa boy nasa pinakadulo si Ashley pero hindi sya yung pinaka matangkad.
Pumasok na isa isa yung mga schoolmates namin. Nasa pinakadulo ako kaya naman magkatapat lang kami ni Ashley.
"Kayong tatlong babae jan sa likod umupo kayo doon sa bakanteng upuan." Sabi naman ni Ms. Pascual kaya tumayo sina Ashley pati yung dalawa nyang kaklasi. Yung dalawa nyang kaklasi doon sa isang side umupo kaya naman wala na syang magagawa kung hindi ang umupo sa tabi ko.
"Hello Ashley." Bati sa kanya ni Mark.
"Hello din." Sabi naman nya. "Ang init pala dito." Sabi nya pa atchaka tinali yung buhok nya.
Mas maganda sya kapag nakatali yung buhok nya makikita mo talaga yung shape ng mukha nya. Ang taba ng pinge nya gusto ko silang kurutin yung ilong nya hindi ganon katangos pero ang kyut. Tapos yung mata nya ang sarap tingnan.
"Hoy Myke tawag ka." Sabi naman bigla ni Mark.
"Ms. Rosales are you okay?" Tanong sa akin ni Ms. Nicole.
"My body is okay but my heart is not." Sabi ko naman kaya nagsi-tilian yung mga kaklasi ko.
"Ganon ba sige lumabas kana." Sabi namab ni Ms. Nicole nakakatakot sya.
"Masakit po yung puso ko." Sabi ko naman.
"Are joking again?" Tanong naman nya.
"No Ms. Nicole masakit talaga pero baka hindu sya sa puso baka dibdib lang po." Sabi ko naman.
"Kung totoo naman ang sinasabi mo pumunta kana sa clinic magpasama ka sa isa sa mga kaibigan mo." Sabi naman ni Ms. Pascual kaya humarap ako kina Mark pero umiling naman sila maliban kay Luke kasi yung tingin nya parang sinasabi na isama ko sya.
"Kay Ashley nalang po ako magpapasama." Sabi ko naman atchaka na tumayo.
"Ms. Ashley samahan mo si Mr. Rosales." Sabi naman ni Ms. Nicole.
"Pero Ms.—."
"Wala ng pero samahan mo na sya." Sabi pa ni Ms. Pascual kaya naman napilitan si Ashley na tumayo.
Dumaan kami sa may Hope dahil may malapit doon. Walang nagsasalita sa aming dalawa tahimik lang kaming naglalakad hanggang sa makarating kami ng clinic ng walang kibuan.
BINABASA MO ANG
The Love Of Us
De Todo5 King fall inlove with 5 transferie Magbago kaya ang lahat dahil sa pagdating nilang magkakaibigan? --- Isa lamang siyang simpleng babae na gusto lang mahanap ang taong magpapasaya sa kaniya ulit. Ng lokohin kasi siya ng ex niya nagbago lahat. Ang...