Chapter 24

35 6 0
                                    

*¹⁰-¹¹-²⁰*

Chapter 24: Guest Room

Ashley POV

Maaga akong nagising dahil na rin sa nakaramdam ako ng tulog at natulog ako ng ilang oras kahapon. Tiningnan ko yung cellphone ko at nakita kong alas-tres palang ng madaling araw bumaba ako sa may hagdan para tingnan kung may gising naba sa kanila.

Nakita ko naman don si Maria na nag-aayos ng gamit nya sa may sala.

"Ashley?" Tawag na tanong nya sa akin. "Bakit nandito ka?" Tanong nya pa.

"Ahh nakatulog kasi ako sa may guest room." Dahilan ko.

"Nakatulog o pinatulog ka ni Myke?" Tanong nya naman.

"Parang ganon na din yon." Sabi ko.

"Bakit ang aga mo namang nagising?" Tanong nya.

"Naka ramdam kasi ako ng gutom hindi pa kasi ako kumakain eh." Sabi ko naman.

"Pumunta ka diyan sa may kusina tingnan mo kung may pagkain kung wala mag luto kanalang paraming laman yung ref namin." Sabi nya kaya tumango nalang ako atchaka tumalikod pero humarap ulit ako sa kanya. "Bakit?" Tanong nya.

"San yung kusina nyo dito?" Tanong ko.

"Ay oo nga pala diretso lang makikita mo don meron parang kurtina yun na yung kusina." Sabi nya naman kaya tumalikod na rin ako atchaka hinanap yung sinasabi nya.

Binuksan ko yung malaking ref nila at nakita kong maraming laman yun. Agad ko naman napansin yung lalagyan na may carbonara nakita ko kasi yung noodles nya kaya yun nalang yung kinuha ko.

"Okay kawale asan ka?" Hanap ko don sa kawale. Binuksan ko isa isa yung mga cabinet don para hanapin yung pwede kong pag-initan nito ayaw ko kasing gamitin yung microwave nila hindi ko naman alam kung pwede ba don iinit ang carbonara atchaka mas sanay ako na sa kawale iniinit.

Marami pa yon pero ininit ko na lahat baka kasi gusto rin nila. Ng matapos ko na syang ininit nilagay ko sya sa malalim na bowl atchaka nag lagay sa may plato para kay Maria at sa akin.

"Parang may kulang." Mahinang sabi ko atchaka lumapit sa ref at binuksan yon. "Celery asan ka?" Sabi ko atchaka binuksan yung may maliit na parang lalagyan don sa may ilalim. "Hihingi lang ako ng tatlong dahon." Sabi ko atchaka pumutol.

Inayos ko na sya atchaka na sana lalabas ng kusina ng bigla ko namang nakita yung tasty na tinapay. "Bakit ngayon kalang nagpakita?" Tanong ko sa kanya pero hindi sya sumagot.

"Penge po ng dalawa." Sabi ko atchaka yun kinuha at hiniwa ng pa triangle. "Asan naba yung ginamit ko kanina?" Tanong ko sa sarili ko. "Buti nalang pala at hindi pa kita hinugasan." Sabi ko atchaka yun kinuha. "Hindi na kita huhugasan para mas masarap." Sabi ko pa atchaka na nilagay yung apat na tig kakalahating tinapag katapos non nilagay ko na sya sa may pinggan atchaka na lumabas hawak hawak yung tray.

"Maria?" Tawag ko sa kanya atchaka ako pumunta sa may sala. "Maria?" Tawag ko ulit.

"Magandang umaga Ate Ashley." Bati sa akin ni Mia parang nung huli akong pumunta dito Ashley lang yung tawag nya sa akin bat ngayon may ate na?

"Magandang umaga din asan si Maria?" Tanong ko sa kanya.

"Umalis na po sya." Sabi nya naman.

"Ganon ba sge kay Myke ko nalang to ibibigay." Sabi ko atchaka muna binaba yung tray sa may maliit na table sa may sala.

"Sge po pupunta muna akong kusina." Sabi nya naman.

The Love Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon