Chapter 37

27 4 0
                                    

Chapter 37: Manliligaw

❤️~~ Ashley Pov ~~❤️

Tapos ko ng gawin lahat ng kailangan kong gawin kaya naman inayos ko na muna yung mga gamit ko at binalik sa kwarto ko. Si Myke tulog doon sa computer room kaya naman bumalik pa ako doon katapos kong mag-ayos ng gamit ko.

"Myke?" Mahinang tawag ko sa kanya.

"Myke gumising kana." Sabi ko pa.

"Myke mag fifive na po." Sabi ko pa atchaka sya inalog. "Myke?" Tawag ko pa pero hindi sya nagigising.

Kinuha ko yung cellphone ko na nakapatong sa may tabi nya. Syempre dahil mabait ako pinicturan ko sya ng mga ilang beses den. Katapos non kinuha ko na yung cellphone sa may bulsa nya may password yon kaya hindi ko agad nabuksan buti nalang talaga at naalala kong may finger print yon kaya naman ginamit ko nalang yung finger print nya para mabuksan yon.

Pumunta agad ako sa Phone para tingnan yung number ni Nanay Flor okaya naman si Mia. Habang nag iscroll ako nakita ko naman yung pangalan na may imoji. ❤️Chichi❤️ ganyan yung nakalagay doon kaya naman tiningnan ko kung sino yon o kaninong number yon sa akin pala. Katapos non nakita ko na yung pangalan ni Mia kaya lumabas na muna ako ng computer room atchaka yon kinontack.

"Hello kuya?" Unang sabi ni Mia.

"Uhm Mia si Ashley to." Sabi ko naman.

"Ate Ashley? Bat nasayo po cellphone ni Kuya Myke?" Tanong naman nya.

"Uhm nandito kasi sya sa amin nakatulog sya kaya kinuha ko yung cellphone nya para ipa-alam sainyo." Sabi ko naman.

"Jan puba sya matutulog?" Tanong nya sa akin.

"Kung hindi sya magigising oo dahil mag gagabi nadin." Sabi ko naman.

"Paano po nandito yung gamit nya." Sabi naman ni Mia.

"Oo nga eh, ano nalang maaga ko syang gigisingin para pumunta sya diyan ng maaga." Sabi ko naman.

"Sge po sasabihin ko nalang kay Nanay na tumawag ka sa akin." Sabi pa nya sa akin.

"Sge sge." Sabi ko naman atchaka na siya binabaan. Sinave ko muna yung number ni Mia sa cellphone ko atchaka na ulit ako pumasok ng computer room.

"Gising na pala tong si Goku ko." Sabi ko atchaka umupo ulit sa tabi nya.

"Sinong kausap mo baby ko?" Tanong nya sa akin atchaka ko naman binigay yung cellphone nya.

"Si Mia." Sabi ko naman.

"Mia?" Tanong nya.

"Sinabi ko na kapag hindi ka nagising agad dito nalang kita patutulugin tapos gigisingin nalang kita ng maaga bukas para umuwi sa inyo." Sabi ko naman.

"Matutulog saan?" Tanong naman nya sa akin.

"Dito nga." Sabi ko naman.

"Pwede ba akong matulog dito?" Tanong nya.

"Kaya nga dito kita pinapatulog eh." Sabi ko naman.

"Okay, dito nalang ako matutulog." Sabi naman nya.

"Hindi kana uuwi sa inyo?" Tanong ko naman.

"Bukas nalang." Sabi naman nya.

"Sabi mo eh." Sabi ko atchaka na tumayo.

"Saan ka pupunta?" Tanong nya sa akin katayo ko.

"Aalis na." Sabi ko naman.

"Saan ako matutulog?" Tanong naman nya.

The Love Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon