Chapter 71

18 2 0
                                    


Chapter 71

(A/N: Nalilito din siguro kayo kung bakit si Nanay Flor yung kasambahay nila Ashley pero dapat si Manang Nida talaga. Nalito kasi ako kaya aalisin ko nalang sila. Sorry!)


💜~~ Ashley Pov ~~💜


"Bilisan mo, Ashley!"


Friday ngayon at napagplanuhan namin na pumunta sa Miapa Bar. Matagal tagal narin kasi nung huli kaming pumunta doon.


Binigay na kasi namin sa parents namin yon para hindi narin daw kami mamoblema dahil marami pa kaming kailangang gawin para sa school.


Napag desisyonan din nila na sa Mama ni Faith ibibigay yon dahil nga hiwalay sila sa Papa niya.


Mas dumami narin yung kasambahay namin dito dahil wala na si Nanay Flor(Manang Nida) pero nandito parin naman si Haylein at Hainne.


Mas bumabait at nagiging natural na sila kaya naman okay na den. Sinabi din nila na kaya nag mamaka-up sila ng ganon dahil hindi naman daw sila kagandahan.


Wala namang masama kung hindi ka kagandahan ang masama doon yung hindi kana maganda pangit pa ugali mo.


Iisang kotse nalang ung ginamit namin para sabay sabay na kaming makapunta at para hindi na kami hiwa-hiwalay. Sinabi din kasi ni Dada para daw alam naming ligtas yung isa't isa.


Pumasok na din kami dahil sabi ko na din kay Mommy J. na ipagreserve kami ng table. Hindi naman kami VIP na nasa loob, doon lang kami sa kubo pero sa mas malaki dahil mas madami kami.


"Ashley!" Napatingin kami sa may counter ng bigla akomg tawagin ni Mommy J. Lumapit kami sa kaniya atchaka pa niya ako niyakap, yayakap pa sana siya kina JC pero nginitian lang nila siya.


"Nandoon na sina Micha at Faith, kanina pa kayo hinihintay." Sabi pa niya atchaka ako hinampas ng mahina.


Kitang kita naman mula dito yung pwesto nila Myke kaya naman hindi na kami naghanap pa at hindi na kami hinatid ni Mommy Jeremy.


"Baby!" Wala pa man naririnig ko na yung boses ni Myke, dapat ako lang yung sweet sa amin pero lumalabas na ako yung masungit o seryoso.


"Baby mo mukha mo." Agad siyang sumimangot nung sinabi ko yon kaya naman napatawa nalang sila.


Hinawakan ko yung kamay niya atchaka yun pinisil para di na siya mamoblema. Nginitian ko din siya para mawala yung pagka-nguso niya.


Kwentuhan lang atchaka kumain yung ginawa namin hanggang sa mag-order na sila ng alak. San mig lang naman para hindi matapang pero etong si Mark bumili ng beer na matapang pa sa kaniya.


Hindi ako gaanong uminom dahil alam kong mapapadami yung iinumin ni Albert at JC ganon din naman si Myke.


Pinigilan ko ding uminom sina Alexa dahil '17' years old lang kami. Ang bata pa namin para sa ganyan at isa pa kung iinom sila siguradong tulog nanamn yang mga yan at suka ng suka.


"Alam niyo ba, yang si Ashley laging naka kulong sa kwarto niya." Lasing na sabi na ni Albert kaya naman binatukan ko siya.


"Shot! Shot! Shot!" Sabi naman ni Luke habang nakahiga na yung ulo sa table namin.


Mga lasing na sila kaya kung ano ano nalang yung lumalabas sa bibig nila. Buti pa si Ronnie chill lang hindi pa nalalasing ganon din naman si JC na nakaka-ilang bote na.


The Love Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon