Chapter 75

5 0 0
                                    

Chapter 75




💜~~ Ashley Pov ~~💜



Ilang linggo na din ang lumipas at next week na ang Interhigh. Dito din daw sa Lost Angel gaganapin dahil eto daw ang pinaka-malaking school na kasali. Yung uniform namin pinapakuha narin mamaya para daw hindi na kalat kalat sa players room.



Friday na ngayon at uumpinsahan sa lunes ang Interhigh hanggang friday daw yon dahil inextend nila. Hindi rin nman daw kasi nahuhuli sa lesson yung bawat grade kaya naman ginawa na nilang isang linggo.



"Ashley, sigurado kabang okay lang yang sugat mo?" Biglang tanong ulit ni Micha. Nandito kasi kami sa cafeteria kumakain dahil lunch na nga.



Wala ng klasi ng hapon kaya naman nagpasundo na si Anna at Olivia para doon nalang daw kumain dahil naantok na din daw si Anna.



Nadapa kasi ako kahapon dahil sa tinisod ako nila Taylor. Nagasgas pa ako sa tuhod kaya hindi naman ganon kasakit yon. Masyado lang talagang OA si Micha at kanina pa tanong ng tanong. Baka daw hindi ko kayanin next week eh hindi naman talaga paa ang gamit sa table tennis hindi katulad sa tennis lang na pupunta kapa sa ibang pwesto.



"Ang oa mo no.. gasgas nga lang yon." Sabi naman ni Faith atchaka ko pa siya nakitang umiling iling. Natawa naman ako dahil sa biglang pgbabago ng expression ni Micha.



"Diba pwedeng concern lang?" Tanong niya oa atchaka ulit sumubo. Wala ng sumagit sa kaniya kaya naman hindi na siya nagsalita pa ulit.



"Bat ba kasi ang init ng ulo sa inyo nila Taylor?" Tanong bigla ni JC atchaka ko naman biglang naisip na kaklsi pala siya ni Albert.



"Ganto kasi yan." Sabi ni Alexa atchaka pa umayos ng pagkaka-upo niya. "Sinuntok ko si Nico tapos sinuntok ni Ashley tapos nung binully si Anna, diba?" Tanong niya pa atchaka naman ako tumango.



Hindi naman talaga namin kilala si Taylor non kung hindi lang ata takaga kay Kristine na kulang naoang ay patayin na si Anna sa kakasipa at sampal nila sa kaniya. Nakatulog pa sila ni Nico nung sinuntok ko.



"Hayaan niyo nalang, tatamarin din sila na awayin tayo." Sabi ko atchaka tumingin kay Myke na nasa harap ko dahil kanina pa siya hindi nagsasalita.



Kanina pa siya tahimik at hindi ko naman alam kung bakit. Hindi kasi siya nagsasalita karating namin dito sa cafeteria o sadyang tamad lang siya?



Isang buwan nalang din pala at December na. Namiss kong magpasko kasama sina Dada dahil halos ako lang mag-isa o di kaya kasama ko si Kate at si tito Ken yun daddy niya.



Ng matapos kaming kumain sabay sabay nadin kaming lumabas sa cafeteria pero bigla nanaman kami hinarang nila Taylor sa labas.



Konti nalang yung mga student na nandito halos mga player nalang din kaya nakapagtataka kung bakit nandito pa silang anim ngayon kasama yung sinampal ko.



"Wala ata yung kapatid mong binugbog ko." Napatingin ako kay Kristine dahil alam kong si Anna yung tinutukoy niya. Hindi parin pala niya nakalimutan.



"Oh nandito kadin, Prixie diba? Yung dumugo yung ilong dahil sakin." Agad na kumunot yung noo ni Jacob dahil sa sinabi ko diba alam na niya bakit parang bago pa sa kaniya eh isang buwan narin naman nung sinampal ko siya.



"Nandito karin pala Nico diba sinuntok kita pero hindi ka nakapalag tas nung sinuntok ka ni Ashley nakatulog ka agad." Pagdugtong naman ni Alexa sa sinabi ko.



The Love Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon