Chapter 83

3 0 0
                                    

Chapter 83


💜~~ Myke Pov ~~💜

Maaga akong nagising dahil sa maaga din dapat ay nasa school na kami ngayon lalong lalo na daw kaming mga varsity ng basketball.

First game din kasi kami sa basketball kaya naman kailangan talaga na maaga kaming pumunta doon.

Halos late din kasi yung mga ka team ko kaya talagang maguguluhan at nai-stress sa amin sina Coach.

Kagising na kagising ko ay agad kong hinawakan at hinanap ang cellphone ko para i-text si Chichi.

Hindi ko naman suta pwedeng tawagin dahil narin baka tulog ba siya o naliligo na. Hindi rin naman kasi niya ganon ginagamit yung cellphone niya kaya hindi nadin ako naghintay ng reply niya.

Araw araw kagising ko ay agad ko siyang tinitext pero minsan lang ako nakakatanggap ng reply niya na ka-text ko palang ay magre-reply na agad siya.

Tumayo na ako at tumalon talon muna bago atusin yung susuotin ko ng bigla namang may kumatok sa kwarto ko kaya naman agad akong pumunta para buksan yon.

"You're awake already." Sabi ni Mommy atchaka pumasok sa kwarto ko. "Ala-sais palang ng umaga.. sa pagkaka-alam ko ang unang laro ngayon alas-nuwebe kinse palang magsisimula."

(Alas-nuwebe kinse: 9:15)

"Maaga kasi kaming pinapapunta sa school Mom.. kaya mas inagahan kong magising ngayon." Sabi ko atchaka naman lumapit sa kaniya na naka-upo na sa sofa dito sa kwarto ko.

"Nakatulog kaba niyan ng maayos?" Tanongniya ulet sa akin atchaka naman ako tumango tango. "Sige na nga alam ko naman naman na ayaw mong pumapasok ako sa kwarto mo."

"Hindi naman ganon Mom.. kung gusto mo araw araw kapa dito eh." Sabi ko naman atchaka narin tumayo kagaya niya.

"Yun nga lang araw araw modin lilinisin tong kwarto ko." Pabiro na sabi ko pa sa kaniya atchaka naman siya tumawa.

"Talagang may kapalit lahat ah.. maligo kana nga at kakain na tayo." Yinakap at hinalikan kopa siya sa noo bago siya lumabas sa kwarto ko.

Papasok nako sa banyo dito sa kwarto ko ng bigla namang tumunog yung cellphone ko kaya agad ko munang sinabit yung twalyang hawak ko at bumalik sa higaan ko.

"Hello Chichi!" Masayang sabi ko atchaka muna umupo sa higaan ko.

["Good morning den."] Tipid na sabi niya. Mukhang kakagising niya lang dahil ang hina ng boses niya at humihikab pa siya.

"Ikaw ata ang unang tumawag sakin ngayon." Sabi ko atchaka naman suya humikab ulet.

Halos ako din ang unang tumatawag at nagte-text sa kaniya kaya naman hindi ko maiwasang magtanong sa kaniya.

["I Love You."] Tatlong salita na sinabi niya atchaka na niya ako binabaan. Hindi ko alam pero sa isang iglap ay napangiti ako at nang-init ang mukha ko.

Kinikilig ako.

Yun lang ang alam ko. Na kinikilig ako, lagi nalang niya akong pinapakilig. Hindi ko tuloy alam kung maiinis ako sa kaniya o lalong matutuwa.

"I love you daw." Kinikilig na bulong ko pa atchaka na ako tumayo at pumasok na sa banyo para maligo na.

Habang naliligo hindi ko maiwasang mapangiti lalo na sa tuwing naalala ko yung sinabi niya sa akin kanina.

Patagal ng patagal lalo nawawala yung pagiging cold niya at halos lagi kona din siyang nakikitang ngumingiti at nagsasalita.

Dahil kaya sa akin yon? Pero kung oo sobrang saya ko naman siguro dahil sa may nabago akong tao.

The Love Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon