Chapter 64💜~~ Ashley Pov ~~💜
Nag-aayos na ako ng sarili ko ngayon dahil monday na at kailangan kong pumasok ng maaga dahil may gagawin pa ako sa school.
Pumunta lang kami sa Miapa kahapon inom inom hanggang si Albert kaya umuwi rin kami agad.
Hindi naman ako gaanong uminom kasi nga inaalala ko pa silang dalawa pero alam ko naman na walang mangyayaring masama sa kanila lalo na nandito si JC.
Katapos mag ayos umalis na rin ako sa bahay at bumiyahe na.
Sinabi ko na rin sa kanila na hindi muna siguro ako makakauwi sa bahay namin talaga dahil gusto ko ngang mapag-isa.
Pero hindi ko sinabi yung nakita ko nung Friday dahil baka sabihin naman ng pinsan ko na inunahan ko pa siyang ipagkalat yon.
Ayaw ko na rin silang paki-alaman dahil bahala na sila sa sarili nila.
Ang gusto ko nalang ay matapos ng maayos tong Intrums at makapag move-on sa mga bagay bagay.
Iiwas narin ako para mas mapabilis tong maghilom ng sugat sa puso ko.
Hay!
"Kanina pa kita hinihintay!"
Napatingin ako sa likod ko dahil sa nagsalitang yon.
Si Noah kasama yung mga kaibigan niya.
"Aga mo ata ngayon Ms. Ganda." Sabi nitong isa niyang kaibigan.
Hindi ko padin alam yung mga pangalan nila.
Bigla siyang siniko nung isa nilang kasama atchaka pa siya tiningnan ng masama.
Bahagya akong natawa dahil sa nag sasagutan nanaman silang anim.
"Wag mong pansinin to Ashley." Sabi nitong isa atchaka na kami naglakad.
Sa ibang pwesto pala ako nag park para hindi ko na rin makita si Olivia at Myke.
"Iba ata yung pwesto mo ngayon." Tanong sa akin ni Noah na nasa gilid ko.
Nagpahuli na kaming naglakad dahil nag sasagutan pa tong mga kaibigan niya.
"Move on." Pakantang sabi ko sa kaniya atchaka naman siya tumawa ng mahina.
May nakakatawa ba sa boses ko?
May saltik din ata tong lalaking to baka pag ako tumawa mabasag yang eardrums niya.
"Ha! Ha! Ha!" Malakas na sabi ko na kinahinto nila sa paglalakad.
Kunot noong tumingin silang lahat sa akin eto namang si Noah nag pipigil ng tawa.
Mga lalaking to hindi ata nila titigilang tingnan ako.
"Sige na." Pilit ngiting sabi ko atchaka naman nila pinagpatuloy yung pagbabangayan nila at pag lalakad.
Bago paman makapasok sa gate dito naoatingin ako sa side namin dahil may mga tao din doon.
Sa ibang pwesto na nga ako nag park mag kakasalubing pa kami dito.
"Ashley!" Kumakaway na tawag sa akin ni Micha atchaka pa siya tumakbo palapit sa amin.
Tuloy tuloy lang yung mga kaibigan ni Noah sa paglalakad samantalang kami naman nakatingin na sa kanila.
"San ka nag park?" Tanong sa akin ni Alexa atchaka ko naman tiningnan si Noah.
"Sa tabi tabi lang." Sabi ko naman atchaka naman ngumiti ng pilit tong si Alexa at Micha.
BINABASA MO ANG
The Love Of Us
Sonstiges5 King fall inlove with 5 transferie Magbago kaya ang lahat dahil sa pagdating nilang magkakaibigan? --- Isa lamang siyang simpleng babae na gusto lang mahanap ang taong magpapasaya sa kaniya ulit. Ng lokohin kasi siya ng ex niya nagbago lahat. Ang...