Chapter 67
Nov. 12, 2020
💜~~ Ashley Pov ~~💜
Natapos ang buong araw ko kahapon na walang buhay at malumay. Nakita ko kasing masaya si Myke kasama ang kung sinong babae.
Alam kong wala akong karapatan para magselos sa kung sinong sinasamahan niya pero nasasaktan ako sa hindi mamalayan na dahilan.
Gusto kong mawala ang pagmamahal na nararamdaman ko sa kaniya para hindi na ako nasasaktan ng ganito.
Oo may puot sa puso ko dahil nalaman kong sila na ni Olivia pero ano bang magagawa ko eh wala naman kaming dalawa.
Bumangan na ako sa pagkakahiga ko dito sa kama ko atchaka pumunta sa baba nitong bahay namin.
Naghilamos na muna ako atchaka pinagmasdan ang mukha kong puno ng eyebags may tigyawat nadin ako sa aking noo at wala ng kulay ang mga labi ko.
Parang hindi naman ako ganto kahapon pero ganito na ako ngayon kaya tanggapin ko nalang.
Lumabas na muna ako ng bahay para mag pahangin sana ngunit na agaw ng atensyon ko ang isang kotse sa di kalayuan.
Pinagmasdan ko lang iyon dahil parang may taong nakatingin sa akin mula sa loob ng kotse na iyon.
Hindi ko na pinansin yon at bumalik na ako sa loob ng bahay namin at naligo na para hindi ako malate nanaman sa school.
Ng makarating sa parking lot sa likod mg school may napansin akong nagpupulungan sa may gilid kung saan hindi sila gaanong makikita ng guard.
Dali dali akong pumunta doon para manood lang sana pero nahagip ng mata ko yung mga barkada ni Noah na sugatan at hindi na makatayo.
Agad akong nakisiksikan sa kanila at doon ko nakita si Noah at Myke na nag aaway. Hindi nila ako napansin dahil diretyo silang nakatingin sa isa't isa.
Dumudugo na yung bibig ni Noah at may mga sugat nadin siya ganon din naman si Myke na may sugat at dugo nadin ang mukya niya.
Tiningnan ko tong mga lalaking kanina pa nagsisigawan at kapansin pansin sa itsura nila na mga 1st year palang sila.
"Ahh!"
Agad akong napatingin kina Myke dahil sa malakas na sigaw na narinig ko. Naka tumba na siya sa lupa at laong dumami yung dugo sa mukha niya.
"Sabi ko naman sayo na sa akin lang si Ashley!" Malakas na sabi ni Myke sa harap ni Noah atchaka pa siya kinelyuhan.
Hindi ako makapunta sa gitna dahil nakaharang tong mga bata sa harap ko hawak hawak pa sila ng kamay para siguro walng mangi-alam sa kanila.
"Akin lang siya---!" Dali dali akong tumakbo papunta sa kanila atchaka pinigil ang pag suntok ni Myke kay Noah.
Agad kong tiningnan si Noah at pinunasan yung mukha niya gamit ang palad ko.
"Ayos ka lang ba?" Nag aalalang tanong ko sa kaniya atchaka naman siya tumango lang kahit na nahihirapan niya.
"A-anong ginagawa mo dito?" Biglang kumulo yung dugo ko dahil sa sinabing yon ni Myke.
Tumayo ako atchaka siya binigyan ng isang malakas na sampal na nagpatigil sa lahat mg nanonood sa amin ngayon.
Yung kaninang nagsisigawan nawala na parang bula pero nanjan padin yung mga katawan nila.
Para dilang nakakita ng multi dahil sa ginawa ko.
"Ikaw anong ginagawa mo?" Naiinis na tanong ko sa kaniya atchaka siya dinuro.
BINABASA MO ANG
The Love Of Us
Random5 King fall inlove with 5 transferie Magbago kaya ang lahat dahil sa pagdating nilang magkakaibigan? --- Isa lamang siyang simpleng babae na gusto lang mahanap ang taong magpapasaya sa kaniya ulit. Ng lokohin kasi siya ng ex niya nagbago lahat. Ang...
