Chapter 29

29 4 0
                                    

*¹¹-⁰¹-²⁰*


Chapter 29: Kanta

❤️~~ Ashley Pov ~~❤️

Nasa Miapa bar padin ako meron pang mga costumer pero kaunti nalang.

Si Myke tulog pa din nilasing kasi sya ng kapatid ko na shokoy pano pa nyan kami makakapag practice kung tulog naman sya.

Pangit Calling

"Hello?" Unang sabi ko.

"Yung pagkain mo dito sa kotse hindi mo nakuha." Sabi nya naman.

"Ay oo nga no hayaan mo na jan kukunin ko nalang sa sabado." Sabi ko naman.

"Bala ka kakainin ko naman to." Sabi naman nya.

"Pag kinain mo yan bibilhan mo ako ng mas madame jan." Sabi ko naman.

"Wag ko na palang kainin, itatago ko nalang tapos kunin mo nalang sa sabado." Sabi naman nya.

"Asan kana?" Tanong ko.

"Malayo layo pa ako." Sabi naman nya.

"Sge mag-iingat ka." Sabi ko atchaka na sya binabaan.

"Myke gumising kana dyan." Tawag ko kay Myke. "Wala akong lakas para buhatin ka." Sabi ko pa.

Kinuha ko yung susi sa bulsa ni Myke atchaka sya inalalayan.

"Kailangan mo ba ng tulong ma'am?" Tanong sa akin nung guard namin nakalimutan ko yung pangalannya eh.

"S-salamat nalang." Sabi ko naman atchaka padin sya inalalayan hanggang sa kotse nya.

Ako yung mag dra-drive dahil nga lasing sya at tulog pa.

Sinabi ko na kasi na wag uminom ng madami tapos iinom padin.

Nasa bahay na nila kami ngayon bumusina ako para pag-buksan nila ako ng gate at pinagbuksan naman nila ako.

"Ate Ashley?" Tanong na tawag sa akin ni Mia.

"Asan po si Kuya Myke?" Tanong nya pa.

"Nanjan sya sa kabila." Sabi ko atchaka naman sya pumunta sa kabilang pinto.

"Sge po." Sabi naman ni Mia atchaka na sya binaba si Myke pero hindi nya kaya kaya naman lumapit na ako.

"Ako na." Sabi ko naman atchaka inalalayan si Myke tinutulungan parin naman ako ni Mia kahit papano.

Nung nalagay na namin sa kwarto ni Myke si Myke bumaba na muna ako para kunin yung gamit ko.

"Ashley?" Tawag sa akin ni Nanay Flor.

"Bakit po?" Tanong ko naman.

"Dito ka nalang matulog." Sabi naman ni Manang Flor.

"Opo, magpapaalam nga po sana ako sa inyo mag prapractice pa sana kami ni Myke kaso napadami kasi yung nainom nya eh." Sabi ko naman.

"Ano bang nangyari?" Tanong naman ni Nanay Flor.

Lumapit ako sa kanya sa may sala atchaka naupo sa sufa. "Si Albert po kasi pinainom sya ng madame sabi ko isa lang pero nakalima daw sila." Sabi ko naman.

"Ganon ba sge matulog kana gabi na din." Sabi nya atchaka na tumayo.

"Uhm Nay?" Tawag ko sa kanya.

The Love Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon