Chapter 80

2 0 0
                                    

Chapter 80

💜~~ Alexa Pov ~~💜

Papunta kami nila Ashley sa court dahil sa may game yung basketball namin. Sabay sabay na kaming lima dahil sa pare-pareho naman kaming walang laro.

Malayo layo din yung court sa room namin kya naman malayo layo din ang nilakad namin. Okay lang naman sana yon kaso kung makatingin kasi yung mga student dito parang may iba kaming balak.

Malapit n kami sa court at naririnig nadin namin yung mga sigawan nila ng biglang may bumato sa akin kaya naman agad akong napatingin sa likod ko.

Doon ko naman nakita sina Athena na nakangising naglalakad palapit sa amin. Kagaya ng dati kasama niya yung bestfriend niyang si Claire.

Umiinit yung dugo ko kapag nakikita ko silang dalawa. Halos kasi may masama silang balak kapag nandito sila sa paligid namin.

Buti nalang at mahaba haba yung pasensya namin at buti nalang talaga at kapangalan ko tong si Claire.

Sa dinami-dami ba naman ksi ng pangalan bakit Claire pa yung pinangalan sa kaniya. Buti nalang talaga at Alexa ang tawag sa akin at hindi Clare.

"Bigatin na kayo ah." Lumapit sa akin si Athena atchaka hinawakan yung kwelyo ko para tingnan yung uniform na suot ko.

Hindi naman masakit yon pero pahigpit ng pahigpit yung pag-hawak niya kaya naman napapalapit na ako sa kaniya.

"Kamusta si Jessie? Naalagaan mo ba siya ng maayos?" Kumunot yung noo ko dahil sa sinabi niya.

Mukha ba kong hindi marunong mag-alaga o baka naman wal siyang tiwala sakin dahil ako yung mahal at hindi siya.

Nabigla din ako sa pagtawag niya ng 'Jessie'. Narinig ko naman na ganon ang tunay na tawag nila noon kaso ay masyado nadaw naiinip si Mark kaya binago.

Nakakaloka din siya dahil noong nakaraan lang ay sinabi nanamn niyang Jessie ang itawag sa kaniya. Kung hindi ko lang mqhal yon baka nasapak kona siya.

"Hindi ka dapat mag-alala pa." Sabi ko sabay hawak sa kamay niya. "Alexa Clare ata ang pangalan ko at hindi Athena." Sabi ko pa atchaka binitawan yung kamay niya.

Dahil sa maputi siya kitang kita mo na bumakat yung kamay ko sa braso niya. Namutla din yung mukha niya dahil siguro nasaktan siya sa ginawa ko.

"So anong gusto mong palabasin? Na hindi ako marunong mag-alaga? Bruha ka!" Akma niya kong sasabunutan ng bogla siyang pigilan ng bestfriend niyang si Claire.

'Maraming tao' yun siguro ang binulong ni Claire sa kaniya dahil sa napatingin siya sa paligid namin.

Bandang huli ay wala din silang nagawa kundi ang umalis nalang. Pati tuloy yung mga naging fans namin tumigil nadin sa pagtitinginan.

Ng mapatingin ako sa kanila atchaka ko lang nalaman na nasa dulo lang pala si Ashley habang tinitingnan kami.

Akala ko kasi ay may ginawa nanaman sa kaniya si Claire pero mukhang wala naman dahil sa tahimik lng naman siya.

"Ayos ka lang Lex?" Tanong sa akin ni Micha atchaka naman ako tumango. Walanaman kasing dahilan para hindi ako maging maayos.

Ng makarating kami sa court marami ng student doon na nagkakaguluhan at sigawan. Muntik pa kaming hindi makalusot dahil sa dami ng tao.

Buti nalang talaga at nanjan si Ashley at hila-hila kami sa pagpasok niya. Nagsitabihan din kasi sila ng makita nila kami. Hindi ko lang alam kung bakit.

💜~~ Kate Pov ~~💜

Sa dami dami ng mga nanonood ay hindi namin alam kung saan kami pu-puwesto buti nalang at may mga kakilala kami dito kaya naman binigyan nila kami kahit na nakatayo lang.

The Love Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon