💜~~ Ashley Pov ~~💜
Bigla nalang lumapit sa akin si Myke katapos niyang isara yung mga pinto at iladlad yung mga kurtina.
"Ano bang kailangan mo?" Iritang tanong ko atchaka niya lang ako niyakap. "A-ano ba!" Sabi ko sabay tulak sa kaniya.
"Hindi ko alam yung sinasabi mo Ashley." Sabi niya atchaka naman kumunot yung noo ko. "Hindi mo bako gusto? Kasi ako gustong gusto kita, ay mali mahal na kita." Sabi niya atchaka hawak sa dalawang balikat ko.
"Wala akong girlfriend alam mo yan... At kung magkakaroon man gusto kong ikaw yon." Sabay hawak sa pisnge ko.
Naramdaman ko nalang na may pumatak na luha galing sa mga mata ko.
Ano batong nararamdaman ko. Ang sakit.
"A-ano bang sinasabi mo?" Tanong ko sa kaniya atchaka umatras ng konti. "Myke narinig ko kayo sa parking lot." Sabi ko atchaka nanaman bumagsak yung luha ko.
Pinunasan ko yung pisnge ko atchaka tumalikod sa kaniya.
"Narinig ko lahat Myke, simula sa t-tanungin mo siya h-hanggang sa pag I love you mo sa kaniya." Sabi ko atchaka humikbi. "M-masakit Myke ewan ko k-kung dahil may gusto na din ako sayo o e-ewan." Sabi ko pa.
Katahimikan ang sumakop sa buong kwartong to at tanging hikbi ko lng yung maririnig mo.
Bigla akong natigilan dahil sa pagyakap niya mula sa likod ko.
"I'm sorry." Sabi niya atchaka laong hinigpitan pagkayakap sa akin. "Ang totoo niyan kay Olivia ako nagpatulong." Sabi niya atchaka naman ako humarap.
"Alam kong hindi ako pwedeng humingi ng tulong sa mga kaibigan natin dahil kahit anong oras ay masasabi nila sayo." Sabi niya atchaka pa tumawa. "Tatanungin sana kita last week pa kung pwede ba kitang maging girlfriend ang kaso hinintay kita hanggang gabi sa parking lot pero wala eh, hindi ka dumating... Nandoon lang ako sa harap ng motor mo naghihintay pero wala." Sabi pa niya na mas lalong nagpatigil sa akin.
"Hindi ka dumating kaya naisipan ko nalang umuwi." Sabi niya atchaka pa ngumiti. "Kinabukasan nakita ko kayong magkasama ni Noah suot mo pa ata yung damit niya, kaya kala ko may nangyari sa inyo. Pero alam kong hindi mo yon magagawa kaya hindi ako nawalan ng pag-asa." Napayuko nalang ako dahil sa mga sinasabi niya.
Ang tanga ko pala dahil hindi ko tinapos yung usapan nila ni Olivia.
"S-sorry." Sabi ko atchaka naman niya hinawakan yung pisnge ko. "I'm s-sorry Myke." Sabi ko pa atchaka siya niyakap.
"Sorry hindi ko alam." Mas lalong humigpit yung pagkayakap ko sa kaniya dahil yumakap narin siya sakin. "Ang tanga ko sorry." Sabi ko pa.
"Shhh." Sabi niya atchaka naman ako tumingin sa kaniya. "Ngayon na siguro yung tamang panahon para tanungin kita." Sabi niya atchaka lumuhod sa harap ko.
"Can you be mine?" Tanong niya atchaka naman ako lumuhod din para mag-pantay kami.
Hawak niya lang yung kamay ko hanggang sa magpantay kaming dalawa.
"I'm always yours." Nakangiting sabi ko atchaka siya niyakap ulit.
"T-tayo na?" Nakangiting tanong niya pa sa akin.
"Kung ayaw mo pwede namang bawiin ko." Pagbibiro ko pa atchaka na tumayo.
Tumayo naman siya atchaka ako niyakap ulit.

BINABASA MO ANG
The Love Of Us
Random5 King fall inlove with 5 transferie Magbago kaya ang lahat dahil sa pagdating nilang magkakaibigan? --- Isa lamang siyang simpleng babae na gusto lang mahanap ang taong magpapasaya sa kaniya ulit. Ng lokohin kasi siya ng ex niya nagbago lahat. Ang...