Chapter 13

52 5 0
                                    


*⁰⁹-²³-²⁰*

Chapter 13: Pag amin

Myke's POV

Hindi pa man nakakalapit si Ashley sa pinto hinila ko na sya atchaka niyakap ng mahigpit na mahigpit.

"A-anong ginagawa mo?" Tanong sa akin ni Ashley agad ko naman tinanggal yung pag kakayakap ko sa kanya.

"Alam mo baby girl okay lang namang magsinungaling pero wag mong patagalin." Sabi ko sa kanya kaya naman kumunot yung noo nya.

"Anong sinasabi mo?" Kunot noong tanong nya.

"Alam ko na lahat." Sabi ko naman ayaw ko ng magpaka torpe kaya aamin na ako sa kanya.

"Anong alam mo na lahat?" Tanong nya pa.

"Umupo ka iku-kuwento ko sayo." Umupo naman sya. "Alam kong hindi mo boyfriend si Albert dahil kapatid mo sya alam ko na din ang buong pangalan mo."

"Ano? Sino naman nagsabi nyan... Sya?" Tanong nya naman.

"Hindi.. si Mark ang nagsabi sa akin." Sabi ko naman. "Mag kakaibigan kaming anim kasama ang kambal mo pero lumipat sya ng school kaya nawala yun kami nalang lima."

"Ano namang masama kung kapatid ko nga sya?" Tanong nya naman.

"Ibig sabihin non wala kang boyfriend kaya aamin na ako sayo." Nakangiting sabi ko.

"Aamin?"

"Oo Baby Girl may gusto ako sayo matagal na ayaw kong magpaka-torpe dahil baka maunahan ako ng iba... Hindi lang kita gusto dahil mahal na kita simula palang nung una kitang makita minahal na kita hinanap kita pero hindi ko alam kung saan kita makikita sa pangalawang beses na nakita kita nalaglag mo yung wallet mo hinanap ulit kita dahil baka importante sayo yon pero hindi naman kita nakita sa pangatlong beses na nakita kita ay sunod sunod na yun hanggang ngayon sinasabi ko sayo to dahil nag seselos ako pag may kasama kang iba, nag seselos ako dahil nga mahal kita."

"Ang daldal mo pala." Yun lang yung sasabihin nya?

"Yun lang yung sasabihin mo?" Tanong ko sa kanya.

"Oo." Sagot naman nya.

"Bakit ba kasi sinabi mo pang boyfriend mo si Albert atchaka bat may singsing ka?" Kunwaring naiinis na sabi ko.

"Wag kang oa jan dahil hindi naman kita boyfriend." Parang nasaktan ako sa sinabi nyang yun ah.

"Sakit non ah."

"Gusto mo ba akong ligawan?" Seryosong sabi nya.

"Oo naman papayagan mo ba ako?" Tanong ko naman.

"Hindi, baka kasi nan tri-trip kalang eh." Mukha ba akong nantritrip? "Atchaka ayaw kong masaktan ulit." Sabi nya pa.

"Ganto nalang ipaparamdam ko sayo kung gaano kita kamahal tapos tatanungin ulit kita okay ba yon?" Tanong ko naman sa kanya.

"Ikaw bahala pero pwede bang tanggalin mo na yung pinost mo sa page ng school?"

"Yes baby boss." Sabi ko atchaka nag sulute.

"Mabait naman kayong lima kaya gusto kong maging magkaibigan ang grupo nating dalawa." Sabi nya.

"Opo." Sagot ko lang.

The Love Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon