Chapter 60

23 2 0
                                    


Chapter 60

💜~~ Ashley POV ~~💜

Ang dami ng nangyari kanina sa school sa  dami lagi kong naalala.

Nasa cafeteria kasi ako kanina kasama sina JC nag lulunch na kami tapos bigla nalang dumating si Noah kasama yung mga alaga niya.

Humihingi ng pahintulot kung pwede daw ba niya akong ligawan eto namang si Albert tumango lang tapos si JC naman iling ng iling.

Napatingin pa ako kay Myke na walang reaksyon yung mukha niya.

Kagaya kahapon magkatabi pa din naman sila ni Agatha mas nagiging close nga silang dalawa eh.

Binaba ko yung hawak kong libro atchaka lumabas sa kwarto ko.

Pumunta ako sa may kusina para kumuha ng pwedeng kainin.

Nagluto lang ako ng itlog atchaka ko na rin yon kinain doon.

Katapos kumain bumalik na ako sa kwarto ko para sana matulog na pero bigla naman may nag text sa cellphone ko kaya kinuha ko muna yon atchaka tiningnan kung sino ba.

From: 639*********
Message: Malanding babae lumayo ka sa boyfriend kong si Noah kung ayaw mong masaktan.😡

Ako patong malandi ah.

May girlfriend na pala si Noah eh bakit gusto niya padin akong ligawan.

Sino naman kaya tong babaeng to at binantaan pa ako. Bakit kaya hindi yung boyfriend niya yung palayuin niya sa akin.

Bat pa kasi pumunta ako sa building ng college...

Kung hindi ako pumunta doon sanang hindi ko makikilala yang Noah na yan atchaka sanang walang nambabanta sa akin.

Hindi naman ako yung mapapahamak sa aming dalawa pero sinasabi ko na wag siyang gagawa ng masama.

Hindi na ako nag-reply sa nag text sa akin atchaka nalang ako natulog.

Ang dami pang pumasok na kung ano ano sa utak ko pero tinulog ko nalang yon.

Kagising ko ng maaga pumunta na rin ako sa banyo nitong kwarto ko atchaka na naligo. Nag-ayos na rin ako ng sarili ko atchaka na bumaba para kumain.

Bago paman ako makapasok sa dining area narinig ko na may kausap si Olivia sa cellphone niya kaya hindi ko na muna tinuloy at nakinig lang ako sa kaniya.

"Hindi pa siya bumaba."

"Oo titingnan ko naman siya."

"Hindi ko siya nakitang kumain kagabe pero kumain naman siguro siya."

"Oo sige wala naman makaka-alam."

Yun yung mga narinig ko atchaka na ako pumasok.

Kapasok ko agad naman nag iba yung reaksyon niya para siyang nakakita ng multo nung nakita niya ako.

"K-kanina ka pa siyan?" Tanong niya atchaka naman ako umupo sa harap niya.

Sino ba yung kausap niya?

"Hindi naman." Sabi ko atchaka kumuha ng tinapay.

"M-may narinig kaba?" Tanong niya pa.

Ano bang meron at parang takot na takot siyang marinig ko yung pinag-uusapan nila.

"May masama ba kung may narinig ako?" Tanong ko atchaka kinain yung tinapay.

"W-wala naman." Sabi niya atchaka binaba yung hawak niyang kutsara.

"A-anong narinig mo?"

"Sino ba yon?" Tanong ko atchaka binaba yung hawak kong tinapay. "... Boyfriend mo?" Tanong ko pa.

The Love Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon