Chapter 26

33 5 0
                                    

*¹⁰-¹⁷-²⁰*

Chapter 26: Mark House

Myke POV

Kumakain na silang lahat maliban sa akin hinihintay ko pa kasi si Ashley na dumating.

Dalawang carbonara at ice tea yung binili ko para sa kanya atchaka sa akin alam kong bumili na sya pero matakaw yon kaya naman sana kainin nya itong ibibigay ko.

"Bakit hindi kapa kumakain Myke?" Tanong ni Ronnie sa akin habang kumakain sila.

"Hinihintay ko pa si Ashley eh." Sakto namang binaba ni Ashley yung tray na hawak nya. Isang order lang yun sisig yung ulam.

Katapos nyang tinanggal sa tray yung pagkain nya nilagay nya yon sa bakanteng table atchaka na umupo.

Inusog ko naman sa kanya yung isang plato ng carbonara pati yung ice tea pero hindi nya man yun pinansin man lang.

Tahimik lang kami ni Ashley na kumakain habang sina Mark naman maingay na nagkwe-kwentuhan.

Katapos maubos ni Ashley yung kinakain nya inusog nya yung pinggan ewan ko kung bakit.

Nilapit nya sa kanya yung inabot kong carbonara atchaka na yon kinain.

"Yes." Mahinang bulong ko sa sarili ko.

"Ano kamo?" Tanong ni Mark.

"Ako?" Tanong ko din pero tinaasan nya lang ako ng isa nyang kilay. "... Ah wala." Sabi ko pa atchaka na pinagpatuloy yung pagkain ko.

Tapos na kaming kumain maliban kay Ashley nagkwe-kwentuhan lang sila Mark habang hinihintay si Ashley ako naman nakatingin lang kay Ashley pinapanood sya.

"Tapos na ako." Mahinang sabi nya atchaka na tumayo. Nagsitayuan narin kami pra makasabay sa kanya.

"Hoy Luke kinuha mo nanaman yung cellphone ko!" Sigaw ni Micha kay Luke atchaka sya hinabol. "... Lagot ka sa akin Luke!" Sigaw pa ni Micha kaya pinagtitinginan na sila ng mga tao na nandito.

"Habulin mo ko." Sabi naman ni Luke.

"Bahala ka nga jan sayo na yan!" Sigaw pa ni Micha atchaka na lumapit sa amin.

"Akin nalang to? Sige titingnan ko yung mga picture mo." Sabi naman ni Luke.

"Edi tingnan mo hindi mo naman alam yung password nyan eh." Sabi naman ni Micha atchaka pinasok yung kamay nya sa jacket na uniform namin.

Malapit na kami sa building namin ng bigla naman kaming abatin ulit nila Taylor pati ng mga kasama nya at ng girlfriend nyang si Kristine.

"Kamusta umaga nyo?" Tanong nya sa amin pero hindi kami sumagot sa kanya.

"Bingi ba kayo? Tinatanong kayo." Sabi naman Nico na pinatulog lang ni Ashley.

"Kung ayaw nyong sagutin okay lang naman eh." Sabi naman ni Taylor atchaka lumapit sa akin.

"Ano bang kailangan mo sa amin?" Tanong ko sa kanya.

"Simple lang naman." Sabi nya atchaka lumapit kay Kristine. "Yang mga babae mong kaibigan ay maging sunod-sunuran dito sa girlfriend ko at kayong mga King maging mga ia-announce nyo na King na din kami at kayo hindi na." Mahabang sabi nya.

"Ang dali lang naman diba?" Sabi naman ni Kristine.

"Pero syempre bago maging sunod-sunuran yang mga babaeng yan eh makakatikim mana sila sa akin lalong lalo na ikaw." Turo nya kay Ashley. "At sayo Alexa." Sabi pa nya.

The Love Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon