Chapter 49

11 2 0
                                    

Chapter 49

❤️~~ Micha Pov ~~❤️

Nasa bahay na ako ngayon nag-aayos ng gamit ko doon daw kasi ako matutulog sa bahay ni Luke.

Ang saya lang sa feeling na gusto ka rin pala ng gusto mo. Ang akala ko si Ashley talaga yung gusto niya ngayon pala ako.

Kainis din si Ashley kasi sinabi niya...

Hays ganon talaga yung babaeng yon kung tutulong mabilisan lang ayaw kasi ng slow pero ang bagal naman kumilos.

"Anong meron at doon ka kina Luke matutulog?" Tanong sa akin ni Alexa na naka-upo sa higaan ko.

Tumingin naman ako sa kaniya atchaka pa napangiti "Secret." Sabi ko naman atchaka bumalik sa paghahanap.

"Kayo naba?" Tnong nan niya atchaka pa lumapit saakin.

"Hindi pa no." Sabi ko naman sa kaniya.

"Yiee anong gagawin mo sa kanila?" Tanong naman niya atchaka na ako humarap sa kaniya.

"Ipapakilala niya daw ako sa parents niya." Nakangiting sabi ko naman.

"Nililigawan ka niya?" Tanong naman niya ulit atchaka naman ako tumango habang nakangiti. "Yiee ang sweet naman." Sabi naman niya atchaka humiga sa kama ko.

"Ikaw ba kailan mo sasagutin si Mark?" Tanong ko atchaka na kinuha yubg damit na dadalhin ko. Napaupo naman siya dahil sa tanong ko.

"Konting push nalang." Sabi naman niya atchaka ko naman nilagay sa paper bag yung damit ko.

"Konting push?" Tanong ko naman.

"Basta wag mo ng tanungin." Sabi naman niya atchaka na tumayo. "Bilisan mo jan baka naiinip na yung manliligaw mo doon." Sabi niya atchaka pa ako kinindatan bago umalis.

Inayos ko na yung gamit ko atchaka na ako bumaba. Kababa ko nakita ko naman agad siya na nakikipag kwentuhan kay Kate.

"Hello there my queen." Nakangiting sabi ni Luke kaya napangiti din ako.

"Queen mo mukha mo." Sabi ko naman atchaka pa natawa dahil sa reactyon niya.

"Tsk ganyan ka ba sa manliligaw mo?" Tanong naman niya sa akin.

"Hindi naman." Sabi ko naman.

"Tsk tara na baka nagugutom kana eh." Sabi naman niya atchaka na tumayo kinuha niya din sa akin yung hawak kong paper bag.

"Gentleman na gentleman ah." Pang-aasar ko naman sa kaniya.

"Wag ka ng magsalita diyan uwak." Pang-aasar niya din sa akin lagi niya akong tinatawag na uwak nakakainis na.

"Pasensya naman po no balyena." Sabi ko naman sa kaniya.

"Porket ba matakaw balyena na?" Tanong naman niya atchaka ako pinagbuksan ng pinto. Pumasok na rin siya doon sa kabila katapos niyang isara yun akin.

"Sakto lang." Sabi ko naman kaupo niya.

"Baka gusto mong ipahawak ko yong 6 pack ko sayo." Sabi pa niya.

"Meron ka ba?" Tanong ko naman.

"Aba syempre." Sabi naman niya atchaka sana tatanggalin yung bitones ng uniform niya pero pinigilan ko siya.

"A-anong gagawin mo?" Tanong ko sa kaniya.

"Ipapakita sayo." Sabi naman niya.

"Wag na." Sabi ko naman atchaka umayos ng upo.

"Ayaw mo bang makita tong abs ko?" Tanong naman niya kaya napalunok ako.

"Baka maglaway ka pag pinakita ko to." Sabi niya pa kaya pinalo ko na siya.

The Love Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon