Chapter 54

15 2 0
                                    


💜~~ Faith Point of view ~~💜

Hindi ko ba alam pero dinala ako ni Kate sa Miapa akala ko ba naman ililibre niya ako sa mga susyaling restaurant tapos dito lang din naman pala.

Nagkwentuhan lang kaming dalawa tanong din siya ng tanong kung bakit daw ang cold ko sa kanila sinabi ko naman na nagseselos ako kay Ashley kaya ganon nalang akong umasta.

Ng umalis na kami sa Miapa na traffic pa kami dahil may na aksidente daw kaya ganon. Hindi pamo ako gaanong marunong sumungit kaya tagalan pa kami.

Sabi ko na umuwi na kami agad ganon din naman pala dahil traffic den dito sa dinadaanan namin.

Ng makarating na kami sa bahay agad namang lumabas sina Alexa, Micha, Luke, Mark at Chris kaya kumunot yung noo ko.

Ng tanggalin ko yung helmet ko agad naman tinakpan ni Alexa yung mata ko ng panyo kaya lalong kumunot yung noo ko pero nawala din yon dahil naamoy ko yung panyo kaamoy ni Ronnie.

"Anong gagawin niyo sa akin?" Tanong ko sa kanila habang tinatakpan nila ako ng panyo hindi naman ako maka galaw ng maayos dahil hinahawakan nila ako.

"Hoy! Anong gagawin niyo?" Tanobg ko nung nilwlakad na nila ako.

"Sumunod ka nalang." Sabi naman ni Micha kaya kumunot ulit yung noo ko.

"Ano ba kasi..." Sabi ko pa atchaka pilit nag pumiglas sa kanila kaso masyadong mahigpit yung pag kakahawak nila sa akin eh.

"Kapag ako nakawala dito humanda kayo sa akin." Sabi ko pa pero hindi na nila ako sumagot.

"Wag kang maingay diyan." Sabi naman ni Ashley lalo akong nainis.

"Tsk." Tanging sabi ko nalang atchaka nalang ako sumunod sa binabalak nila wala rin namang mangyayari kung mag pupumiglas ako eh.

Ng makarating kami sa pinaka taas ng hagdan naramdaman ko naman na may kung ano sa paa ko parang makalat na ewan.

"Tanggalin niyo na." Sabi pa ni Ashley atchaka nila nitanggal yung panyo sa mata ko.

Kabukas ng mata ko agad bumungad sa akin yung kwarto ko na puno ng lobo na kulay pink paborito kong kulay meron din baloon letter na nakalagay na Can I court you.

Nandoon din si Ronnie na may hawak na isang bouquet ng bulaklak sa may kama ko naman meron ding mga crippe paper at isang maliit na paper bag.

"A-ano to?" Tanong ko sa kanila hindi ko maiwasang magtaka kung bakit may ganto sa kwarto ko. Ng tingin ko sina Alexa nakangiti lang sila sa akin.

Napatingin ako kay Ronnie dahil bigla siyang lumuhod sa harap ko kaya natakpan ko na fin yung bibig ko.

"Hi Isabelle Faith my Loves."

Hindi ko mapigilang ngumiti dahil sa sinabi niyang yon ang sarap pakinggan at hindi nakakasawa.

"I'm Ronnie Jay at gusto ko lang sabihin sayo na mahal kita simula nung nakasama kita sa Book Club." Sabi niya atchaka pa ako nginitian kaya nginitian ko din siya.

"I here in front of you asking a permission kung pwede ba kitang ligawan."

Natigilan ako dahil sa sinabi niyang yon ewan ko pero bumilis yung tibok ng puso ko nararamdaman ko din na namamasa na yung palad ko.

"Hindi mo na kaylangan pang manligaw dahil." Sabi ko pa habang tinatayo siya.

"Sinasagot na kita."

Dahil sa sinabi kong yon bigla niya lang akong niyakap ng mahigpit na mahigpit. Narinig ko naman na kinikilig at tumili tong mga kasama namin.

Bigla naman siyang umalis sa pagkakayakap naming dalawa atchaka ako tiningnan sa mata. "Totoo?"

The Love Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon