Mira Oceania POV
Nang matapos ang kasiyahan at dramahan ay naging seryoso na ang lahat. Hindi ko alam kung bakit ang sabi may ritwal raw. Bakit nagtaasan ang balahibo ko katakot huhuhu......
" Simulan na ang ritwal" sigaw nang mga disipulo kaya nagsimula na sila. Katabi ko si Fire at si Yna. Nanginginig na ang kamay ko wah!!!ipapakain ba nila ako sa isang nilalang. Nabigla ako ng may humawak sa kamay ko.
" Kumalma ka pikachu" panira talaga kahit kailan kainis naman ito eh. Kahit paano ay kumalma ako.
" Ano bang meron" tanong ko sa kanya.
" Titingnan kung sino sa inyo ni Yna ang nagtataglay ng tatlo pang elements at titingnan kung lalabas na ang kapangyarihan mo" lalo akong kinabahan paano kung palpak among mangyayari sa akin.
" K-inakabahan ako, p-aano kung wala akong kapangyarihan ano lang mangyayari sa akin"
" Walang mangyayari sayo at wag kabahan dahil nandito ako este kami, nandito kami"
" Inuutusang tumayo ang dalawang Prinsesa nang mga Archamage at magsalita" nangangatog akong tumayo tsaka lumingon sa iba at kay Fire.
" Ako si Princess Yna Angelic Collins Harrison na tinatanggap ang tungkuling nakaagapay sa akin. Kung ako ang pipiliin at kung na sa akin ang natitirang tatlong elements pangangalagaan ko ito at malamang sa malamang marami bang matatakot sa akin dahil ako na ang magiging pinakamalakas sa lahat"
" Princess Mira ikaw na" huhuhu. Bumuntong hininga muna ako tsaka tumayo. Kinakabahan ako mga bessywap wa katapusan na ng mundo.
" A-ko si Princess M-ira O-ceania" Napa lingon ako sa may hawak ng kamay ko. Tumango siya sa akin kaya ngumiti ako. Napa natanag naman ang loob ko dahil sa ginawa niya. " Ako si Princess Mira Oceania Collins Harrison na tinatanggap ang tungkuling nakaagapay sa akin. Kung sakaling wala sa akin ang tatlong elemento tutulong pa rin ako lalo na kung alam ko sa sarili ko na kaya kong tumulong at kung nasa akin man ito magiging tapat at totoo ako sa sarili ko at sa nasasakupan ng palasyo,hindi lang pala para sa nasasakupan ng palasyo kundi para sa lahat nilalang na nangangailangan sa akin. Kung nasa akin man ito wala pa ring magbabago dahil alam ko sarili ko na lahat tayo ay may buhay at lahat ay may karapatang magkaroon ng pantay na pakikitungo sa bawat isa. Walang mataas at walang mababa, walang mayaman at walang mahirap dahil lahat ay pantay pantay. Sabi nila ang mabuting pinuno ay nakikinig sa opinyon ng kanyang nasasakupan. Salamat"
Grabe para akong nangampanya. Sabi ay maghihintay kami ng ilang minuto pa huhuhu nakaka ngalay tumayo.
" Sa tingin ko ay wala sa dalawang prinsesa ang natitirang elemento at hindi pa nalabas ang kapangyarihan ni Princess Mira at kung nagkataon na Hindi ito lumabas ay maaring si Princess Yna ang papalit sa trono niyo kamahalan dahil-" Napa tigil sila nang dumaing ako. Parang may nalabas sa kanang braso ko. Ang sakit mali pala dahil sobrang sakit.
" Ah!!!" sigaw ko tsaka napahawak sa braso ko. Ang sakit talaga halos mapaupo na ako sa sakit. Napa tigil ako dahil hindi na masakit at naghahabol ako ng hininga ko.
BINABASA MO ANG
Archamage Princess
FantasyMas mabuti pa sa mundo ng mga tao, kahit iba't ibang ugali at least tanggap ka hindi tulad dito. Sa pinagmulan ko na tunay kong tahanan kung saan dapat ako nabibilang pero ramdam ko na hindi ako nabibilang kahit Prinsesa ako. Ang sakit nun bes mas...