Guni guni o hinde
Fire Aiden POV
Lumabas ako dahil hindi ko matiis ang nangyayari sa loob ng kwarto ni pikachu. Kinabahan talaga ako sa nangyari sa kanya kanina. Tsk napaka hina kasi ng katawan mo pika. Matinding kaba ang naramdaman ko kanina tulad nung sinabi nung babae na dating nagturo sa kanya na maaari siyang mamatay.
Hindi ko alam kung bakit ako nagiging ganito pagdating sa kanya. Alam ko sa sarili ko na mahal ko pa si Allysa pero pagdating sa kanya paiba iba ang mga emosyon ko. Natatakot ako sa tuwing masasaktan ko siya, natatakot ako sa tuwing nagagalit siya sa akin, natatakot ako sa tuwing iniiwasan niya. Natatakot ako sa diko malamang dahilan. Subukan ko mang maging seryoso tulad noon pero pagkaharap kona siya diko maiwasan ang ngumiti at tumawa dahil sa kalokohan niya.
Si Allysa, mahal ko pa siya yun ang iniisip ko pero diko maintindihan ang nangyayari sa akin para bang magulo. Gusto kong ikasal kay Allysa mula noon pa man pero naudlot yun dahil sa nalaman ko pero di ko magawang sabihin sa iba dahil mahal ko siya at ayaw ko siyang masaktan.
" Ayos ka lang?" napa tingin ako sa nagsalita sa likod ko at humawak sa balikat ko at doon ko nakita si Ice.
"Hmm" maiksing sagot ko sa kanya.
"Bakit ka biglang lumabas?"
"Ewan diko din alam" sabi ko na ikinatawa niya.
" May gusto kana ba sa kanya?" gulat akong napa tingin sa kanya pero siya itong ngumisi kaya napa iling na lang ako.
" Hindi ko siya gusto" deretsong sagot ko sa kanya " Alam mo naman kung sinong babae ang nag iisang minahal ko" natahimik siya dahil sa sinabi ko.
" Mahal mo pa rin si Allysa?" tanong niya sa akin kaya napa buntong hininga ako.
" Oo siya pa rin talaga" sabi ko sa kanya. Iniisip ko yung mga magagandang bagay na pinagsamahan namin
"Eh paano si Prinsesa Mira?" napa tingin ako sa kanya.
"Anong paano siya?" balik na tanong ko sa kanya.
"Ang sabi mo dimo siya gusto, pero ano yung mga pinapakita mo sa kanya. Yung paghawak mo sa kamay niya, yung pagyakap mo sa kanya, pagtatanggol mo sa kanya at yung pag-iyak mo sa kanya" natigilan naman ako. Paano niya nalaman yun,pansin kong umiling siya.
"Di ko alam" maiksing sabi ko sa kanya.
" Baliw ka ba. Di mo gusto pero nagpapakita ka ng motibo. Sala ang ginagaawa mo Fire" sabi niya sa akin.
" Diko maiwasan eh"
"Tsk sigurado ka bang mahal mo pa si Allysa baka naman nahuhulog kana kay Prinsesa Mira" seryosong sabi niya na nakapagpatigil sa akin. Di ko alam pero kusang bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit pikachu bakit ganito ang pinaparamdam mo sa akin.
BINABASA MO ANG
Archamage Princess
FantasyMas mabuti pa sa mundo ng mga tao, kahit iba't ibang ugali at least tanggap ka hindi tulad dito. Sa pinagmulan ko na tunay kong tahanan kung saan dapat ako nabibilang pero ramdam ko na hindi ako nabibilang kahit Prinsesa ako. Ang sakit nun bes mas...