Dumating na ang araw na ayaw mangyari ni Mira sa buhay niya. Ikakasal na siya sa lalaking di naman niya mahal at kaibigan lamang ang turin niya. Naging magulo sa labas ng palasyo dahil sa mga Arcanean na unti unti nang naaangkin ang mga palasyo. Kung sino mang mage ang humarang at di sumunod au pinapatay nila habang ang iba ay kinulong.
"Nasaan na ang ating Reyna, bakit nagiging ganito na sa mundo natin" sambit nang isang mage na nakipaglaban mula sa academya pero sa kulungan ang hantungan.
" Hindi ko rin alam, may plano pa silang ituloy ang kasal kahit na nagkakagulo sa palasyo"
"Ang tanong nagkakagulo din ba doon O dito lang sa labas" sambit nang isang babae na naka tungo. " Huwag tayong mawalan nang pag-asa,dadating ang mga maharlika" bumuntong na lamang ang iba.
Sa kabilang banda nang palasyo ay nandon ang ibang Prinsipe at Prinsesa na nahuli na tila ginagawa lahat ang paraan upang makatakas pero anumang kapangyarihan ay di gumagana.
" Sigurado ka bang nandito sila?" tila nabuhayan ang mga Prinsipe at Prinsesa dahil sa mga naririnig na boses ganun din ang mga kasama nilang mage.
"Hindi ko alam pero hindi naman ito babantayan kung walang mage dito" rinig pa nilang may nagsalita.
"Nandito kami Safira,Summer" nagka tinginan ang dalawa tsaka mabilis na hinanap kung saan galing ang tunog na iyun hanggang sa makarating sila sa pinaka dulo.
"Buksan niyo na ito bilis" mabilis na binuksan nung dalawa ang mga kulungan. Binuksan ni Safira ang sa mga Prinsipe samantalang kay Summer naman ay ang sa iba pang mage. Kinamusta nila ito pagkatapos tanggalin ang mga kadena sa katawan. Handa na sana silang umalis ngunit bigla nalang sumarado ulit ang kulungan dahilan para mapasama ang dalawa sa loob.
"Mga lapastangan, sa tingin niyo ba ganon kadali ang tumakas" sambit ni Luciana o mas kilalang Stella.
" Hangal kang babae ka, luka luka kana talaga!" sigaw sa kanya ni Summer sa galit ni Stella ay gumamit siya ng mahika upang mapalapit sa kanya si Summer tsaka niya ito sinakal.
" Sobrang ingay mo gusto mo bang unahin kita ha!" galit na anas niya.
"Pakiusap wag mong saktan ang kakambal ko" sabat ni Autumn dahilan upang bitawan ni Stella.
" Pasalamat kayo dahil may bait pa ako pero wag kayong umasa na magiging ganito ako pagkatapos ng kasal nila hahaha" tumawa siya na parang isang bruha. " Pagkatapos-" di na niya naituloy ang sasabihin ng mawalan siya ng malay.
BINABASA MO ANG
Archamage Princess
FantasyMas mabuti pa sa mundo ng mga tao, kahit iba't ibang ugali at least tanggap ka hindi tulad dito. Sa pinagmulan ko na tunay kong tahanan kung saan dapat ako nabibilang pero ramdam ko na hindi ako nabibilang kahit Prinsesa ako. Ang sakit nun bes mas...