Kabanata 63

131 7 4
                                    


Napa tingin sila sa paligid dahil sa narinig na tunog hanggang sa tumingin sila sa kalangitan.

" Sa kweba!" sigaw ni Aiden kay Mira kaya naman mabilis na pumasok si Mira sa kweba na sinundan naman ni Aiden. Mabilis na bumugso ang malakas na ulan na may kasamang mga yelo na malalaki ang patak. " Dito na muna tayo magpalipas-"

" Aalis din agad tayo pagtapos ng ulan" pagputol ni Mira sa sasabihin niya.

" Pero iba ang ulan na yan di tulad ng nakikita mo sa mortal O sa palasyo dahil ang ulan na yan ay dito lang sa kagubatan na ito"

" Anong pinagkaibahan eh pareho naman silang ulan" napa buntong hininga na lang siya.

'Nasaktan ko talaga siya ng sobra' bigkas nang binata sa isip niya.

" Pakiusap naman Mira wag naman ganito. Hinanap kita magdamag pagod ang katawan ko kaya pakiusap wag mo na akong awayin" natigilan si Mira dahilan para mapa ngiti si Aiden dahil alam niyang maawa ito sa kanya pero nawala din ang ngiti niya nang magsalita ang kasintahan niya.

" Sino bang may sabi sayo na hanapin mo ako"

" Dahil nag aalala nga ako sayo"

" Hindi ko naman sinabing-"

" Hindi mo sinabing nag-alala ako sayo ganon ba? Nararamdaman ko yun Mira at hindi ko pa kailangan ng permiso mo para mag alala ako sayo dahil sa tuwing masasaktan ka di mawawala ang pag aalala ko"

" Nagawa mo nga akong tiisin" sinabi niya ulit yung sinabi niya kanina. Sa puntong yun alam nang prinsipe na yun ang tumatak sa isip ng mahal niya na ikinagalit niya dahil hindi niya ito kinausap, inalok nang pagkain, tinanong kung ayus lang ba siya na siyang ginagawa niya nung hindi pa siya nagagalit dito dahil sa pagsisinungaling. Alam ni Mira na may kasalan din siya pero naiinis talaga siya. Hinintay pa niya na tanungin siya ng binata kung ayus lang ba siya O kung kakausapin siya neto pero kinausap lang siya neto dahil sa kulitan ng mga kaibigan niya pero para sa kanya hindi yun gagawin ng mahal niya kung di dahil sa mga kalokohan nila kahapon.

Ilang oras na pero di pa rin tumitigil ang ulan at parang mas lumalaki ang patak ng yelo. Simula nang pagtatalo nila kanina hindi nag atubiling magsalita si Aiden dahil alam niya na kailangan ni Mira nang oras.

" Ako na diyan, mamahinga ka na muna" gulat siyang tumingin kay Mira. Nag iihaw siya para may makain silang dalawa.

" Ako na muna sabi diyan at magpahinga ka muna!" para naman siyang bata na sumunod at nahiga. Alam niyang delikado magalit ang babaeng mahal niya at dahil sa ayaw niya pa itong lalong magalit sa kanya ay pinili na lang niyang sumunod. Humiga siya tsaka nagpasyang matulog muna lalo na at pagod din ang katawan niya at wala siyang tulog.

" Fire" naka ramdam siya na may tumatawag at alam niyang si Mira yun. " Fire" pagtawag pa ni Mira.

" Hmm" tumalikod siya sa kanya dahil hindi sa inaantok pa siya gusto niyang kausapin na siya ng mahal niya.


"Fire kakain na" rinig pa niyang sabi ni Mira tsaka siya inalog pero ayaw pa din niyang gumising. " Bahala ka nga diyan-Fire!" nagulat siya ng pagtalikod niya ay siyang hila ni Fire sa kanya tsaka siya niyakap.

" Konting minuto lang mahal" malambing na sabi ni Fire at ramdam ni Mira ang pagod niya.

" Ayus ka lang ba?" napa mulat siya ng mata ng tanungin niya ng dalaga.

" Medyo dahil galit ka pa rin"

" Nagalit ka din naman diba" pinigilan niyang matawa dahil naka nguso na sa harap niya si Mira. " Pinayagan mo si Season-" natigil siya ng halikan ni Fire ang noo niya.

Archamage PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon