Mira Oceania's POV
Nang maka alis sina Kuya Mics matapos namin kumain lahat kasabay ng iba ay di na nawala ang ngiti sa labi ko kahit alam ko na pansamantala lamang ito. Papunta ako sa banyo dahil naiihi na akes mga bes. Nang makapasok ako sa banyo ay ginawa ko na agad ang aking ritwal at nagmamadaling lumabas doon.
"Opsss saan ka pupunta ha iyakin na Prinsesa" sabi nung alagad ni Allysa. Di ko tanda ang pangalan dahil wala akong interes.
"Ano nandyan ba siya?" narinig ko ang boses ni Allysa kaya kinabahan ako. Eto na naman po tayo.
"Nandito siya Ally" sabi nung isa pa. Naka rinig na lang ako ng tawa kasabay ng pagbukas ng pintuan.
" Ang galing mo talagang magpaawa"
"Hindi ako nagpapaawa dahil-" isang malakas na sampal ang dumapo sa aking mukha. Kelan ba siya titigil. Impit naman akong napa aray dahil sa ginagawa na naman nila yung ginagawa nila sa akin at di nahahalata ng iba.
-------
" Malandi kang prinsesa ka!"
" Inaakit mo ang mga Prinsipe sa pamamagitan ng mga ngiti mong yan"
" Nakita ko nga siya na hinahawakan pa sila sa hita eh hahaha, malandi ka"
"Puro kasinungalian yan!!"
" Hahaha ano kayang mangyayari sayo kapag pinagkalat namin yun ha!"
"Ano bang kasalanan ko sa inyo" sabi ko pero bigla akong sinabunutan ni Allysa at nung dalawa pa.
" Saktan yan at siguraduhin na walang makakakita sa mga ginawa natin sa katawan niyan"
"Ally paano kapag nagsumbong 'to"
" Hahaha edi sasaktan ko ang taong mahal niya"
" Di....mo pwedeng gawin yun"
" Hahaha bakit naman kayang kaya kong saktan si Fire, kung noon ang nasaktan kona siya eh ngayon pa kaya"
BINABASA MO ANG
Archamage Princess
FantasyMas mabuti pa sa mundo ng mga tao, kahit iba't ibang ugali at least tanggap ka hindi tulad dito. Sa pinagmulan ko na tunay kong tahanan kung saan dapat ako nabibilang pero ramdam ko na hindi ako nabibilang kahit Prinsesa ako. Ang sakit nun bes mas...