Prince Brent Clay's POVMagdamag na walang kibo si Aiden dito sa tinutuluyan namin. Bali hinatiran na lang namin siya ng pagkain kanina. Di pa namin napag uusapan ang nangyari kanina. Gabing gabi na pero gising pa rin kaming lahat habang naka tingin sa tulalang Aiden.
" Patawad Aiden patawarin mo ako. Di ko naman sinasadya diba nasabi ko naman sayo na may dati akong karelasyon dito"
" Ayos lang Season, naiintindihan ko"
" Gusto mo bang kausapin ko si Mira para ipaliwanag ko ang lahat. Sa nakikita ko galit lang siya kanina pero alam ko naman na mauunawaan-"
" Alam ko" maiksing sagot ni Aiden. " Alam ko na maiintindihan din niya. Ayus lang talaga Season 'wag mo na lang ulitin at lumayo ka na lang. Alam kong wala kang gusto sa akin pero dahil sa kasintahan mo noon ay kailangan mong gawin, umiwas ka na lang muna kasi baka lalo siyang masaktan. Sana maintindihan mo"
" Oo sige tsaka 'di na din naman ako sasama sa paglalakbay niyo kasi dito na ako titira sabi nung pinuno nila"
" Ano!" gulat kaming lumingon kay Zion kaya nang makita niya na naka tingin kami ay uminahon siya. " Ano bakit ang guwapo ko" napa iling na lang ako.
" Zion wag kang pahalata" pang aasar ni Thor. " Baka mabuking ka na kasing bilis ng hangin"
" Manahimik ka nga Thor wala akong gusto sa kanya" natawa naman kami.
" Walang nagsabi na may gusto ka hahaha" pang aasar din ni Rain. Napapa iling na lang ako bago kinuha ang libro na nasa tabi ko.
" Ikaw lang Zion ikaw lang, naunahan ka pa ni Aiden na makahalik-aray!" nagreklamo siya ng hampasin siya ni Yna.
" Ang ingay mo tsk"
" Ang arte mo"
" Alam ko matagal na" masungit na sabi ni Yna. " Hoy Season siguraduhin mong hindi mo na gagawin 'yon kundi husay ka sa akin kapag umiyak ang kapatid ko"
" Oo nga" nagbiruan pa sila nang biglang bumukas yung tela na nag sisilbing pintuan namin at pumasok yung dating myembro nang 12 arcs.
" Sino ka nga ulit?" tanong ni Thor. Maski ako nakalimutan kona, tumingin siya isa isa sa amin bago lumingon kay Season.
" Malaki ang naidulot mo Season sa babaeng yun at ngayon halos magwala ang mga munti naming pinuno sa nangyari di na ako magtataka ko sumugod ang sila.Mali ang ginawa mo-"
" Alam ko Yana at di mo na kailangang ulit ulitin pa. Di ko nga sinasadya diba"
" Pero alam niyong dalawa ni Yna ang epekto kapag umiiyak siya sa lungkot at mas malala na ngayon dahil umiiyak siya pero di man lang umuulan alam niyo kung saan napupunta yan kahit hindi yun sa dating reyna pero alam niyo kung saan kaya sana inisip mo ang ginawa mo Season" mahinahon na sabi niya. "Kakausapin ka nang pinuno namin" sabi niya pa bago umalis. Napa tingin kami kay Yna at Season na tulala.
" Bakit di ko naisip yun. Ang tanga ko" sabi ni Season bago umalis kaya kay Yna kami tumingin.
" Anong mangyayari Yna?" tanong ni Dark.
" Di ako sigurado pero ang alam ko sa tuwing umiiyak si Mira dahil sa lungkot maaaring bumuhay siya ng mga kalaban isa isa. Yung mga sinumpa noon ay pwede niyang magising dahil sa luha niya. Di pa ako sigurado kung bakit yun ganun si Ina lang ang may alam nang tungkol sa anong nangyari bakit ganun ang luha ni Mira"
" Ano yun kahit simpleng patak ng luha ay mabubuhay sila"
" Hindi naman sa ganon edi sana nuhay na sila noon pa. Minsan lang naman umiyak si Mira. Katumbas ng isang galon ng luha ni Mira para maka buhay nang isa pero di naman siya lagi umiiyak kaya ayus pa yun sa ngayon"
BINABASA MO ANG
Archamage Princess
FantasyMas mabuti pa sa mundo ng mga tao, kahit iba't ibang ugali at least tanggap ka hindi tulad dito. Sa pinagmulan ko na tunay kong tahanan kung saan dapat ako nabibilang pero ramdam ko na hindi ako nabibilang kahit Prinsesa ako. Ang sakit nun bes mas...