First Element......
Summer POV
Nandito pa rin kami sa palasyo ng mga Archamage dahil tinatamad pa kami nina Win na bumalik sa palasyo namin. Mas maganda dito masarap pa pagkain hahaha. Nandito kami sa Garden magkakaibigan maliban kay Mira dahil natutulog pa siya.
"Dark ano ba kasi ang ginagawa mo?" biglang tanong ni Thor sa kanya. Nagkukwentuhan lang kami samantalang itong blaze na 'to may kung anong ginagawa.
" Instrumento" biglang sabi ni Blaze tsaka nagtutuloy sa kanyang ginagawa. Napapadalas na ang pagsasama ni Prinsesa Mira at Dark at tulad ng sinabi niya dati ay nilimatahan nga niya ang kakulitan niya kay Fire.
"Anong uri ng instrumento"
"Di ako sigurado pero ang alam ko ay gitara ito" naka ngiting sabi ni Blaze kaya nagka tinginan naman kaming lahat maliban kay Fire na naka tingin sa ginagawa ni blaze.
"At para kanino naman yan aber" mataray na sabi ko. Tumawa naman siya at iiling iling pa. May saltik na rin ito.
" Para kay Mira narinig ko kasi siyang kumanta kahapon" nagulat naman kami sa sinabi niya. Maalam bang kumanta si Prinsesa Mira.
" Talaga maalam si bes kumanta" tanong ni Safira kaya tumango lang si Blaze.
"Ang galing nga niya eh. Kinakausap niya ang sarili niya kahapon tapos sinasabi pa niyang gusto daw niyang tumugtog kaso wala yung gitara niya kaya naisipan ko na gawan siya tsaka aalis din kami mamaya eh" naka ngiti niyang sabi.
"Aalis? Saan kayo pupunta ha!!!" biglang sigaw ni Rain tsk kahit kailan ang isang 'to daig pa ang babae.
" Di pa kasi kami pumupunta doon sa lugar na sinasabi ko sa kanya. Doon ko ibibigay yung gitara" napa ngiti naman ako dahil sa sinabi niya.
"Wah!!! Ang sweet mo blaze!!" kinikilig na sabi ko sa kanya na ikinatawa naman niya.
"Tsk" rinig kong sabi ni Fire pero di ko na pinansin dahil nakapokus lang ako kay blaze.
"Nandyan na si Mira itago mona muna yan" biglang sabi ni Zion kaya itinago niya. Nakita namin tsaka na nagkukusot pa ng mata. Wah! ang cute niya talaga.
" Ano bang ginagawa niyo dito. Tanaw ko kayo doon sa kwarto ko"sabi niya habang naghihikab pa. "May pasok ba?"
"'Oo Mira may pasok nga pero training lang naman kasi biyernes" naka ngiting sabi ni Winter kaya napa nguso na naman si Mira. Hindi pa kasi lumalabas ang kapangyarihan niya.
"Awww wala na naman akong gagawin neto" malungkot na sabi niya tsaka ngumiti "Oh kanino naman ako sasama ngayon" tanong niya sa amin. Sinasama kasi ng isa sa amin si Mira kapag training na.
" Sa akin" biglang sabi ni Fire kaya tumango lang siya.
BINABASA MO ANG
Archamage Princess
FantasiaMas mabuti pa sa mundo ng mga tao, kahit iba't ibang ugali at least tanggap ka hindi tulad dito. Sa pinagmulan ko na tunay kong tahanan kung saan dapat ako nabibilang pero ramdam ko na hindi ako nabibilang kahit Prinsesa ako. Ang sakit nun bes mas...