Mira Oceania's POV
Isang malakas na buntong hininga ang aking ginawa. Napa tingin naman silang lahat sa akin ang ibig kong sabihin ay yung mga prinsipe at prinsesa. Tinaasan ko sila ng kilay at tinatanong kung bakit pero walang sumagot bagkus tinaasan rin ako ng kilay.
"Sa kinakabahan ako" sabi ko pero natawa naman sila. "Look di niyo naman ako katulad na sanay na sa ganito noh. Kaya kapag kinakabahan ako di niyo dapat ako tinatawanan" sabi ko pero tumawa pa rin sila tsaka umiling. " At kapag seryoso ako hindi niyo dapat ako pinagtatawanan"
"Ita bellus vestra ad insaniam convertunt cum vestri" sabay sabay na sabi nila maliban kay Fire na seryosong naka tingin sa akin pero di ko na yun pinansin dahil sa sinabi ng iba.
" Anong cute anong cute may cute ba habang nagagalit. Yung nagagalit kana tapos sinasabihan ka pang ute. Gosh why are the people of this world are so weird" napa irap na lang ako pero di nun nababago ang kaba ko. Naiinis kana tapos sinasabihan ka pang cute my god bakit ba ang haba ng buhok ko.
" Ikaw nga!!" di kona sila pinansin at tumingin sa unahan.
" Di pa naman nagsisimula kaya wag kang kabahan. May isang oras pa naman tayo" sabi ni Safira kaya nginitian ko na lang siya dahil di ako mapakali. Tumayo ako dahilan para mapa tingin sila sa akin.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Clay.
" Sa...library muna ako babalik na lang ako bago magsimula. May titingnan lang ako" sabi ko sa kanila.
" Sige bumalik ka agad ha!" sabi nila kaya tumango ako tsaka naglakad papunta sa library nila. Tumitingin ako sa paskil sa bawat sulok kung nasaan yung room na may naka sulat na Biblioteca na ibig sabihin yun ang library.
"Yun!" nasabi ko na lang tsaka ako pumasok. Pagkapasok ko namangha ako ng makita ang mga librong lumulutang. Nagpunta ako sa may gitna kung saan nakatayo yung namamahala nung library. "Bororoq possum, quod liber iste ad sit res " naka ngiting sabi ko na nagtutukoy saan at kung panghihiram ng libro tungkol sa labanan mamaya. Itong librarian ay di familiar sa ibang wika bukod sa tunay na wika namin dito.
"Sed in biblioteca claudere nunc" porket may event kailangan bang magsarado ang library. Bakit ba ang weird ng mundong 'to.
" Placere ego esto mansuetus" pagmamakaawa ko. Totoo namang mabilis lang ako dito.
" Bene" sinabi niyang okay daw. Pagkasabi niya nun may binigay na siyang papel kung saan ang location nun, Lumipad yung papel kaya naman sinundan ko yun hanggang sa nakarating sa dulo. At nang maka upo ako sa upuan ay umob-ob agad ako.
BINABASA MO ANG
Archamage Princess
FantasíaMas mabuti pa sa mundo ng mga tao, kahit iba't ibang ugali at least tanggap ka hindi tulad dito. Sa pinagmulan ko na tunay kong tahanan kung saan dapat ako nabibilang pero ramdam ko na hindi ako nabibilang kahit Prinsesa ako. Ang sakit nun bes mas...